Chapter 7

2.5K 69 5
                                    

"Miss, may I co-"

"No." seryosong sabi niya sabay bagsak sa akin ng pinto. Sa loob ng isang buwan lagi akong late and kung intentionally 'yon, yes, intentionally. Wala lang gusto ko lang makuha attention niya since the vending machine incident hehe.

Nakangiti lang ako na nakatayo sa labas at sinulyapan ko kaibigan ko na nasa bintana na nag pipigil tumawa, sana huling tawa mo na 'yan.

Pumunta ako sa bintana para silipin siya habang nagtuturo. Napatingin siya sa gawi ko at nginitian ko lang siya pero malamig lang siya na nakatingin sa akin.

Sorry tito pero hindi yata kita masusunod sa gusto mo hehe pagalitan mo nalang ako pagbalik mo, pero kahit huwag na pwede naman.

Buong klase niya nasa labas lang ako at pinapanood siya sa bintana hanggang sa matapos siya. Agad ako naglakad papunta sa pinto para abangan siya lumabas.

"Good Morning, Miss Frontera." Masiglang bati ko pero nilagpasan lang niya 'ko kaya hinabol ko siya habang naglalakad siya paalis.

"Miss!" tawag ko pero patuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako pinapansin.

"Prof!" tawag ko pero ayaw pa rin, grrr.

Notice me, senpai hehe uwu.

"Ma'a-"

"What do you want, Miss Villarreal?" madiin na sabi niya at napahinto siya. Finally. Binigyan ko lang siya ng ngiti.

"Wala po, alam niyo po ba na bilog ang lemon square?" seryoso lang siya nakatingin sa akin at tumahimik ang paligid.

"And, kung ang gabi ay night, baka ako na si Miss Right." sabi ko sabay karipas ng takbo, bwisit ka, Rainiel! Bakit gano'n ka bumanat! Nakangiti ako na bumalik sa room namin.

You're done, Rainiel, lagot ka kay Tito.

"Rai, anong trip mo? Isang buwan mo na iniinis si Miss Frontera." Bungad sa akin ni Cass pag pasok ko.

"Wala naman, trip ko lang." Totoo naman, hindi ko rin alam kung bakit ko 'to ginagawa. Kala ko ba ibabalik ko kabutihan niya pero bakit mas lalong dumadagdag ang sama ng loob niya dahil sa akin?

Hindi ako natatakot sa kaniya, natatakot ako na baka malaman 'to ni tito at sabihin kay dad hehe.

"Andiyan na si Miss Beltran." Agad kami nanahimik at umayos sa pag upo.

Buong klase hanggang sa mag lunch, lutang lang ang utak ko. Ayaw ma process ng mga tinuturo nila, buti hindi ako natatawag, pero may maisasagot naman ako.

Pababa na kami ni Cass papunta sa cafeteria dahil lunchtime na.

"Bud," tawag sa akin ni Cassidy kay lumingon ako sa kaniya.

"Why?"

"Bakit ang pangit mo?" sabi niya kaya agad ko siya sinamaan ng tingin, sa dinarami-rami na pwedeng sabihin, 'yon talaga?

"Ikaw bakit mukha kang tanga?" balik ko sa kaniya at inirapan ako kala mo ah.

"Words, Miss Villarreal." Nagulat ako dahil sa may nagsalita sa tabi ko kaya agad akong lumingon.

"Hi, Miss Frontera." Bati ni Cassidy sa kaniya pero diretso lang siya nakatingin sa daan.

"Sorry boss." Sabi ko at tumingin siya sa akin.

"What?"

"I mean, sorry po ingat po kayo sa daan baka matalisod kayo." Sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"I'm not stupid." Malamig na tugon niya’t iniwanan kami. Naramdaman kong binatukan ako ni Cassidy.

"Gago, huwag mo 'ko idamay sa katarantaduhan mo." Seryosong saad niya.

"Isang Carbonara lang at ice tea." Sabi ko, tumango lang si Cass.

"Ikaw Natz?" binaba naman ni Natalie ang binabasa niya.

"Same like Rai, but water only." Saabi niya at nagbasa uli, bookworm talaga. Tumingin ako sa kabilang lamesa at nakita ako ang taong isang buwan na naiinis sa akin. Siya lang mag-isa uli.

Napansin ko ang utensils na gamit niya, usually lahat na nasa cafeteria ay silver ang gamit pero sa kaniya ay gold. Maybe sarili niyang dala 'yon pero bakit naman?

One thing I observed from her lagi niya pinupunasan ang lamesa at upuan, pati 'yong baso niya dapat pantay sa plato, lagi rin siya may alcohol sa tabi niya.

"Baka matunaw si Prof." My thoughts was interrupted nang magsalita si Cass.

"Hindi, napansin ko lang 'yong kutsara niya." I said habang hinahalo ang carbonara.

"Ah, bakit may balak kang nakawin?" napahinto ako at tumingin sa kaniya, bakit puro katarantaduhan at kagaguhan sinasabi nito?

"Joke, bakit bawal na ba mag dala ng sariling gamit?" sabi niya, well may point naman siya.

"Natalie, are you okay? Tahimik ka kasi e." Tanong ko sa kaniya, alam ko naman na tahimik siya palagi pero iba ang pagkakatahimik niya ngayon, hindi naman ako manhid.

"Yes, maybe nasobrahan lang ako sa pagbabasa." Sabi niya at binigyan ako ng isang ngiti.

★★★

"Bye, Natalie and Rai." Sabay kaway ni Cassidy at umalis na.

"Ikaw Natalie may susundo ba sa'yo?" tanong ko pero umiling lang siya.

"Hatid na kita, baka mapano ka pa." Sabi ko at nginitian siya.

"Thanks, but dala ko sasakyan ko, see you tomorrow, Rai." Sabi niya at umalis na, ako nalang mag-isa habang naglalakad papunta sa parking lot.

May pamilyar na tao ang nakatalikod kaya agad ko tinawag.

"Hello, Miss Frontera, uuwi na kayo?" tanong ko.

"No, papasok pa lang." Sagot niya habang binubuksan ang sasakyan niya.

"Weh? Pero uwian na." Napahinto siya at tumingin sa akin.

"Stop stating the obvious, Villarreal." Seryosong sabi niya at inirapan ako. Wow, attitude. Napakamot nalang ako sa batok.

"Ingat po, isang taon mo pa 'ko makakasama." I teased her and gave her a winked.

"If it's you, no. I’d rather be with an allegator." Sabi niya sabay pumasok sa loob at nag maneho paalis. My jaw dropped.

Saan siya bumubunot ng sama ng loob sa akin?

★★★

"Dad, ang aga niyo naman po." Nakita ko siya sa couch na naka upo, usually mga 8 or 7 siya umuuwi pero 5 pa lang nandito na.

Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang pisngi niya.

"Sinandya ko talaga, Rainiel, pumunta kana sa taas para makapag pahinga ka." Sabi niya at tumango ako.

Pagkapasok ko sa kwarto bagsak ako na humiga sa kama, maybe iidlip muna ako.

Deceive MeWhere stories live. Discover now