Chapter 37

1.9K 56 6
                                    

Gabi na at nakahiga lang ako sa kama habang nakatingin sa kisame. I check the time, alas dose na ng madaling araw and good thing walang pasok kinabukasan, saturday and sunday things.

Habang busy ako sa kakabilang ng mga butiki sa kisame narinig ko nag ring ang phone ko at agad ko naman kinuha na nasa tabi ko lang.

I'm flabbergasted from the caller.

Miss Frontera, agad naman ako napangiti at sinagot ang tawag.

"Moshi Moshi, cookie monster!" masiglang bati ko sa kaniya, halos mapunit ang labi ko sa sobrang lawak mwehehe.

"Why are you still awake?" tanong niya sa akin, shems, sa tuwing nakakausap ko siya pakiramdam ko bago lang kami magkakilala, the excitement xhhzjzjsususj.

Baliw na.

"Masyado niyo na kasi pinapasok ang isip ko, Miss. Pwede bang iba nalang ipasok niyo next time?" I blurted out, narinig ko ang reklamo niya sa kabilang linya.

Tanginang bibig 'to, nahawa na yata ako kay Cassidy huhu.

"Can you please shut the pervert mouth of yours." Naiinis na hayag niya, hindi ko maiwasan matawa.

"Are you free tomorrow?" she asked me.

"I'm always free po, kung hindi man, BDO naman ako, e. I'll always find a way." Sagot ko habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ko. Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim, baka masyado na nakukulitan sa akin hehe.

"You're hopeless. Go to my house tomorrow."

"Are you asking po ba?"

"No, I'm commanding you."

Naks, desisyon si mhie. Wala yata akong choice.

"Aye, Aye, Captain!" Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya, parang musika na hindi nakakasawa pakinggan.

"Go to sleep now, Rainiel."

"Iyon lang po ba pakay niyo sa akin?" I pouted though hindi naman niya makikita.

"I...I just want to hear your voice." She shyly said. Ang lakas nanaman ng dagundong ng puso ko.

"And, why is that po?" I bit my lower lip, baka sumigaw ako marinig pa ng mga maid namin.

"I miss you, okay?" Sagot niya na medyo napipilitan pa, shit dito yata ako bibigay! Gusto ko magwala jxsnjdudjdjdjjdj. 'Yong internal organs ko parang nagpapa party sa loob.

"Totoo po ba?" tanong ko sa kaniya, naniniguro lang baka mamaya nag i-sleep talk lang e.

"Gusto mo bawiin ko?" pananakot niya.

"Huwag po. I miss you too also." Narinig ko nanaman ang mahinang pagtawa niya.

"You're cute. Go to sleep now, Rainy. Goodnight." She said in a sweet tone, totoo ba 'to? Hindi ba siya namamaligno? hxhzisjzjsjsj. Ayaw pa rin mawala-wala ng ngiti ko.

"Goodmornight too, Boss Madam." The last thing I said bago niya inend ang tawag. Binaon ko naman ang mukha ko sa unan at tumili.

Matutulog nanaman na nakangiti.

★★★

8 a.m na ng umaga at nag re-ready na ako para pumunta sa bahay nila. Naka half sleeve oversize T-shirt ako na black, short at white sneakers. Nakalugay lang ang buhok ko.

Bumaba na ako ng hagdan at nadaanan ko si Nanang. Tinanong niya ako kung saan ako pupunta pero sinabi ko na "wala lang."

Nang makasakay na 'ko sa sasakyan, dumiretso muna ako sa palengke. Flowers are overrated, so cauliflower nalang bibilhin ko hehe. Agad ako bumalik sa sasakyan para dumiretso na sa bahay niya.

Rainiel lover girl era.

Nang makarating na ako sa tapat ng bahay niya, tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin, maganda naman ako always, gusto ko lang tignan uli. Lumabas na ako at naglakad papunta sa tapat ng pinto niya.

Kumatok ako ng tatlong beses bago niya binuksan ang pinto. Natulala pa ako ng ilang minuto.

Naka messy bun ang buhok niya at oversize na t-shirt and,

What the heck! Bakit wala yata siyang suot na brassiere? Halata kasi 'yong ano niya, 'yong basta hehe.

Baka raisins. Okay tama na huhu.

Nag iwas ako ng tingin kasi pakiramdam ko namumula ang mukha ko.

"Pasok." I heard her nauna na siyang pumasok at sumunod ako, nakayuko pa rin ako. Naupo naman kami sa couch niya.

"Bakit ka nakatingin sa baba? Nandyan ba mukha ko?" tanong niya sa akin, paunti-unti ko naman inangat ang ulo ko.

"K-kasi po ano," nahihiya kong sabi at sinenyasan ko nalang siya gamit ang mata ko at agad niya naman sinundan kung ano tinutukoy ko.

"What's wrong with my breast?" malaki po hehe joke.

"Bakit wala po kasi kayong bra!" reklamo ko, napa crossed legs siya at tumawa ng mahina.

"I'm comfortable." She said, may binigay naman ako sa kaniya na pinagtataka niya.

"Cauliflower?" I nodded and smile.

"Kung bulaklak po hindi naman nakakain, so 'yan nalang. Tatlo 'yan para I miss you." I even moved my eyebrows upside down.

"Share mo lang?" pambabasag niya kaya napanguso ako.

"Kung ikaw naman ang ishe-share, huwag na po uy." Sabi ko at napailing nalang siya.

"Kumain kana?" tanong niya.

"Weh? Alam ko na 'yan. Tapos sasabihin niyo po na 'kainin kita?' " Nakita ko naman na tangkang ibabato niya sa akin 'yong binigay ko kaya napatayo ako.

"Then, don't eat, kainis." Naiirita na hayag niya at saka tumayo, naglakad siya paalis. Gusto ko matawa halatang na ba-badtrip na. Sinundan ko naman siya at napunta kami sa kusina niya. Busy siya mag prepare.

"Gumaganda po kayo." I said out of nowhere. Napahinto naman siya sa ginagawa niya. Dumiretso naman ako sa fridge niya para tignan kung ano laman, nagpaalam muna ako syempre.

Ang dami ngang cookies at gulay.

"Ano po 'yan?" lumapit ako sa pwesto niya.

"Kalan." sagot naman niya, I pouted.

"I know, I mean 'yan." turo ko pa.

"Frying pan."

"Miss naman, e! Pinag t-tripan niyo ba 'ko?" hindi ko na maiwasan mag maktol.

"You're throwing tantrums like a baby."

"Soon po." Inayos ko naman ang buhok niya na humaharang sa mukha niya, naramdaman ko na nabigla siya.

Napakaganda talaga.

"I'm done." Narinig ko siya, tinulungan ko naman siya na magdala ng mga pagkain.

May tinapay, eggs, bacon, and waffles.

"Coffee or Milk?" She asked me.

"You." I said at ngumiti sa kaniya, I saw her pupils dilated.

"Good choice." She countered back at umupo sa tapat ko, alangan naman sa lap niya. Dapat ako 'yon, kidding.

"Dito kana mag lunch." I heard her habang kumakain kami.

"Ano po ba gagawin natin ngayon?" tanong ko sa kaniya habang kumakain.

"Random suffs." Tumingin siya sa akin, and she even lick her lips. I gulped at napainom ako ng tubig. Mahalay na ang isip ko, kasalanan talaga 'to ni Cassidy huhu.

"Ano pong random?" tanong ko sa kaniya ulit.

"Kaya nga random. Gosh, Rainiel." I chuckled dahil halatang naiinis siya sa obvious kong tanong.

Deceive MeWhere stories live. Discover now