3

259 9 0
                                    

Chapter 3

Pikon





"Hindi ako magtatagal."

"You just got here, Sharvari." Matiim na sabi ng katabi.

"Kanina pa kaya ako rito! It's been an hour! What do you want me to do here!" sama ko ng tingin sa kaniya.

He returned the glare.

Kinuha niya ang kamay ko at pilit na pinahawak sa akin ang ballpen. Napagtagumpayan niyang ilagay sa nakakuyom kong kamay pero kaagad ko ding tinapon sa kaniya. Tumama sa kaniyang dibdib.

"SHARVARI!"

Kumunot na din ang noo ko.

Akala ba niya matatakot niya ako roon? Kung gusto niya'y magsigawan pa kami buong maghapon rito eh! I won't back up with him.

"Could you please stay still and answer your fucking homework?"

"This isn't even homework, Incus! Eh gawa-gawa mo lang naman 'yan eh!"

"An activity that I made for you so you can practice for your fucking long quiz tomorrow! Magpasalamat ka nga at ginawan kita—"

"Ayoko."

Bumuntong-hininga siya ng malakas. Stress niyang hinilamos ang palad sa mukha.

Ayan...ganiyang lang...There's nothing I love more than an irritated incus. Parang buo na ang araw ko kapag nakita ko siyang stress sa akin. Mukha siyang unggoy na lumalapad ang butas ng ilong! Para siyang na-stuck sa homosapiens stage.

"Then...what do you want?"

"I want a break."

"Ilang oras ka nang nagbi-break! You've barely managed to finish item number two dahil sa panay break mo!"

"Ang dami mong sinasabi! Eh hindi ko nga alam iyan! Eh tayong dalawa na lang kaya ang mag-break?"

Sumimangot siya.

Sumandal siya sa paanan ng sofa. Ako naman na nasa ibabaw ng sofa ay pingmasdan siya.

Ilang minuto pa ay tinaas ko ang kamay at bahagyang hinaplos ang buhok niya sabay suklay roon. Sa sobrang ingat ko ay baka hindi nga niya iyon naramdaman.

Mabuti. Dahil hindi ko din alam kung bakit ko ginawa iyon.

Tumaas ang gilid ng labi ko.

His strands are soft. Halatang well-maintained gamit ang mga mamahaling products. Nanunuot sa ilong ko ang bango kada hawi ko roon.

Narito kami ngayon sa bahay niya. Nakalimutan ko na kung ano ang pangalan pero Village ito, napupuno ng mga naglalakihang mga bahay. Sabi nga niya'y ang isang malaking bahay na nadaanan naming kanina ay sa kapatid niya daw iyon. Naniwala naman kaagad ako. Kahit ata anong sabihin ng gunggong na 'to basta patungkol sa ari-arian at pera ay maniniwala ako! Halata naman mayaman siya eh!

Hindi ko alam kung bakit hindi man lang nagtaka si Rebecca. Hindi ba't sa aming lahat ay siya ang mas may alam kung paano mangkilatis? I mean she grew up in an abundant society...nakakadudang wala siyang alam.

He was on the floor, sa harapan ng coffee table dito sa sala. Lahat ng notes ko ay naroon— Notebooks ko na wala namang mga laman, hindi ko alam kung bakit pinalabas pa niya ang mga iyon. Siguro'y kahit papaano ay umaasa siyang may kinopya ako kahit isang sentence lang.

"Then...what do you want?" humina na ngayon ang boses niya. Naging banayad. Parang naging...malambing? Psh!

Bago pa niya mahuli ang kamay ko at mahalikan ay binawi ko na. Aba!

Villarmazan Series #3: Chasing SharvariWhere stories live. Discover now