8

174 10 4
                                    

Chapter 8

Green with envy



"Batid ko...wala kang boyfriend ngayon..."

Napatigil ako pagsipsip sa Milktea ko para lingunin yung nagsalita.

Kung nanunuya man ang mga mata ko, hindi ko sinasadya iyon. It's just who I am. But it made the boy uncomfortable. The confidence he had awhile ago, bigla iyong Nawala and turned into uneasiness.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa habang ang ga dila ko ay naglalaro sa makapal na black straw.

hmm...

"I'm sorry. I don't date guys who aren't at my level. Literally. Ang liit mo." Malamig kong obserba.

I bet kapag tumayo ako ay mas mataas pa ako sa kaniya. well...kahit ilang centimers lang iyon pero...kahit na! wala pa akong nadi-date na pandak! At hindi rin siya masyadong kagwapuhan.

Nakitaan ng bigla ang mukha ng kaharap.

I shoved him away using my hands. Hinarap ko ulit ang mga kaibigan. Sila peia ay nakatingin pa rin sa likod ko. Naroon pa rin siya?

Si adelie naman ay balik chismis. Tila wala lang nangyari. Wala naman talaga.

"wala kang lalaki ngayon?" tanong ni adelie.

"Hmm...bago ah?"

"Wala pa akong nakikita." Baling ko sa gilid. Pinaglalaruan ko na lamang ang cup na wala nang laman.

Ang totoo ay busy pa ako. Hirap akong maghabol sa mga activities. Lalo na't mas malimit ngayon ang practice naming dahil may paparating na naman kaming laro.

Kainis nga eh! Naiinis ako sa mga naging desisyon ko sa mga nakaraang araw. Lalo na yung paghiwalay ko kay Incus. I should've postponed it kung alam ko lang na mahihirapan ako ngayon. Edi sana...laro lang namin ang inaalala ko ngayon. Hindi naman kasi kami exempted na mga athletes sa mga outputs na ipapasa namin.

Nag-ring na ang bell kaya tumayo na kami. Pinulot na ni rebecca ang mga dala niyang makakapal na libro. Siya ang huling tumayo kaya pinagmasdan pa namin siya.

Nauna na ako sa paglalakad. Walang bakante roon sa cafeteria kaya dito kami tumambay sa mga Table malapit sa field. Ilalim ng malaking puno ng Narra.

Nakasalubong pa namin ang janitor na palaging nakatoka na maglinis sa floor namin.

"Magandang umaga, ma'am!"

Sinulyapan ko lang siya. Ano nga ba ang pangalan nito? Basta! Hindi ko na maalala. Hindi naman siya importante.

"Morning." I said coldly.

"Saan ang punta ninyo ma'am?"

Ewan ko ba. I've always viewed this man as a creep. Hindi naman siya ganito sa ibang estudyante. Pero pag kami...nila Calli...palagi niyang kinakamusta at tinatanong palagi ng kung ano-ano.

Pinapabayaan ko na nga lamang eh! Pero sila rebecca...panay ang kausap rito.

"Klase. Bakit, sama ka?"

"Good morning manong!" Kaagad na sapaw ni Peia.

Hinawakan ako sa braso ni Calli at walang sabing kinurot ako.

"Aw!"

"Gaga ka talaga! Umayos ka nga! Nagtatanong lang yung tao eh!" Panlalaki niya ng mga mata sa akin.

"Eh bakit ba! Pabayaan mo nga ako!" Alis ko ng kamay niya.

Nasa 5th floor ang klase namin, so we took the elevator. Nang tumigil at bumukas ang pintuan sa 2nd, pinagsisihan ko kaagad at hiniling na sana'y nag-stairs na lang ako.

Villarmazan Series #3: Chasing SharvariWo Geschichten leben. Entdecke jetzt