42

111 9 4
                                    

Chapter 42

Room for Goodbyes

"Anong iniisip mo?"

Kanina ko pa napapansin ang pagkatahimik ni Incus.

When i held his hand para makuha ang attensyon niya, doon pa lang siya bumaling sa akin. Pinagsiklop niya ang palad namin, at dinala niya iyon sa labi niya.

"Wala. Nakaisip ka na ba ng oorderin natin?" Hindi na naghiwalay ang kamay namin.

Bumaling ako muli sa menu. We were having our dinner. Nag-grocery kasi kami at naisipan na lang naming dumeretso rito dahil pareho na kaming tinatamad magluto.

"I don't know. Ikaw na lang yung pumili. Kasi sa totoo lang, wala talaga akong gang kumain."

"Nasusuka ka na naman ba? I think you've been food poisoned. That could be dangerous. Ano bang pinagkakain mo doon sa apartment niyo?" Magkasalubong ang kilay niyang tanong.

Dinala niya ang isang kamay sa tiyan ko... na tila ba malalaman niya ang diagnosis ko sa simpleng pag-ganon niya. Umirap ako.

"I've barely eaten anything. It's just my acid being at it again. Alam mo naman..."

"You have to see a doctor, just to be sure." He said seriously.

Tumango lang ako. Pero hindi ko naman talaga gagawin. Unless he'll draw force and drive me there himself.

"Aalis pala si Malleus."

I started to converse as his face was covered with the menu this time.

He hummed to express that he had a fair share of knowledge about it.

I stroked his thumb with mine. Kaya sandaling napatingin siya roon then sa mukha ko. Alam na alam niyang may hihilingin ako kapag ganoon ako sa kaniya.

"So, will it be okay if doon ako ulit muna kay Calli? Gusto ko kasing may kasama siya roon."

"If it's for her, then why not?"

Maliit akong napangiti.

"Uuwian mo pa naman ako, diba?" Dagdag niya.

"Depende. Nakakapagod kayang magbyahe." I joked.

"Kung hindi ka uuwi sa akin. Ako ang pupunta roon sa'yo."

"Ang dami mong time no? Ganoon talaga siguro 'pag walang trabaho."

He hissed, slightly wide-eyed. Tumawa ako ng malakas. Ang katabing table kasi namin ay napalingon dahil sa sinabi ko.

Grabe! Big deal talaga 'pag yung lalaki walang trabaho, no? Bumalik na naman tuloy sa akin yung sinabi ni papa.

And now that i've thought of it, ngayon ko lang din naalala ang trial niya bukas. Shit! Kamuntikan ko nang makalimutan!

"Nai-mention na pala kita kay Papa."

He looked at me confused. "How?"

"Bumisita ako sa kaniya kahapon, diba?"

"Hindi ko alam 'yon."

Villarmazan Series #3: Chasing SharvariWhere stories live. Discover now