30

163 12 2
                                    

Chapter 30

Preview





"How did that happened?"

"How was i supposed to know? Iniwan ko iyon roon kanina nang maayos pa ang lagay!"

"Baka napagtripan lang."

"Sa dami-daming sasakyan doon sa baba...yung sasakyan ko talaga yung napag-diskitahan?"

Mas lalo kong dinikit ang tenga sa pintuan ng apartment namin.

I can hear their fast paces.

"At ngayon lang ata nangyari iyon...nang may naka-duty na guard sa baba!" Hindi ko man nakikita, pero rinig ko ang iritasyon sa boses ni Incus.

He was really frustrated.

"Kaya nga...ipapa-review natin yung CCTV."

Namilog ang mga mata ko. Nakaramdam kaagad ako ng taranta.

"I have no time for this, Malleus! I will be late for my 2 pm flight!"

"Oh...edi sige...sa susunod na lang..."

Kumalma naman kaagad ako.

Rinig ko ang malakas na buntong-hininga.

May sinasabi pa sila pero hindi ko na masyadong narinig dahil papalayo na yung boses.

Ilang segundo pa ay narinig ko muli ang pagbukas at sara ng pintuan.

"Can you be any faster, Dude!?" It was incus' voice again.

"Hindi lang naman ikaw ang nagmamadali, no! Babalik pa din naman ako sa girlfriend ko."

Tumunog yung elevator. Pagkatapos no'n ay wala na akong narinig na boses.

Panic woke my senses up again.

Mabilis kong pinihit ang pintuan at tinakbo yung elevator.

Nang matanto na ipapahuli lang ako no'n, lumiko ako sa hagdan.

Halos iisahing lukso ko lang yung tatlong baitang.

Nasa fourth floor yung apartment namin, pagdating sa ground floor ay halos takasan na ako ng hininga.

"Shit! Shit!" Pabulong na mura ko nang matanaw na naroon pa rin nga yung sinirang sasakyan ni Incus.

Ngunit natanaw ko naman ang pamilyar na blue raptor ni Malleus, nakalabas na ng parking lot.

"Tangina, sandali!" As i makakatulong yung pagiging histerikal ko roon.

Kahit pa takbuhin ko iyon, hindi ko na iyon maaabutan pa.

I lost all hopes when the tail lights of the raptor flickered three times. It was my sign of defeat. As it made a turn to the highway...and out of my sight.

Gusto kong magwala...lalo na't hindi ko matawagan ang phone niya!

Ano 'yon? Kinuha niya na kaagad ang sim card niya eh hindi pa nga siya nakakaalis ng bansa!

It's as if nahulaan niyang tatawag ako?

Tangina naman Incus!

Sa sobrang galit ko...hindi ko na pinaligtas yung natirang dalawang gulong sa sasakyan niya. Binalikan ko at binutasan.

"Ipa-tow ko kaya 'to?" Masama ang tingin ko sa sasakyan.

"Pero wag na lang pala...wala ka namang kasalanan sa'kin eh...yung amo mo lang...tsaka...parehas nga pala tayo dito...iniwan ka rin niya rito..."

Villarmazan Series #3: Chasing SharvariWhere stories live. Discover now