26

187 11 3
                                    

Chapter 26

Trip





"What!?"

Ngumiwi sabay pikit ang kaibigang si Rebecca dahil sa naging reaksyon ko.

"Anong sinasabi mong sasama si Incus sa outing? Bakit hindi mo sinabi sa akin kahapon pa lang!"

Napakamot siya sa leeg. "Nakalimutan ko? And...please, let's not make it a big deal." Pakikiusap niya.

"Oo nga naman shans. Sasama lang din naman tayo. Hindi na dapat tayo magreklamo. Tsaka...kapatid ni Sir Auricle si Sir incus. Wala na tayo doon kung isasama niya yung kapatid niya. O kahit ang buong pinsan niya pa!" Si Calli na nasa kama ngayon ni R.

Umirap ako sabay halukipkip.

It's easy for her to say...she will get a date with Malleus later!

"Ah basta! Hindi! Hindi ako sasama!" Kinuha ko na ang mga bag ko. Aakmang aalis.

Alam kong O.A ang naging reaksyon ko. Pero normal lang naman sa akin ang magulat. Lalo na't sinabi sa akin ni Calli noong isang araw na hindi sigurado ang pagsama niya.

O baka naman nagsinungaling ito sa akin dahil alam niya na ang magiging reaksyon ko?

Ramdam ko ang pagsunod ng tingin nila sa akin. Sinundan ako ni Calli.

"You lied to me?" I asked nang masarado niya ang pintuan.

"Akala ko talaga hindi siya sasama..."

"The truth."

Tumigil siya. Ilang segundo ay bumuga lamang ng hangin.

"Alam ko kasing babawiin mo ang pagsama mo pag nalaman mong sasama din si...Incus..."

"Babawiin ko talaga!" I half-yelled.

Nakonsensya naman ako kaagad sa pagsinghal ko. Lalo na nung makita kong nakokonsensya ang mukha ni Calli.

"I'm sorry. But the man's leaving...cal. Iiwan niya ako at ayokong makipag-bonding sa kaniya na parang despidida niya iyon bago umalis..." Mahina kong sabi.

"Kaya nga! Malleus and I thought that maybe...if you two spend some time with each other...pwede niyo pang mabago ito."

"Malabo. Mukhang kumbinsido na siya na aalis siya. Nakapag-resign na nga eh!"

"Hindi lang ako makapaniwala na ito ang hahantungan ng pag-hindi ko sa kaniya." Sabi ko pa. "Ang unfair!"

"Shans...you know he's not leaving because of that. Dahil inutusan siya ng lolo niya. Purely for business. It could've been Malleus too, but he refused."

"Incus refused too, at first! Iyon ang sabi niya sa akin. But why is he going now? Ano sa tingin mo?"

Natahimik ang kaibigan.

She knew that even if she'd deny it, we will still go back to the same answer. Like some pathophysiology shit on a study. Just making things complicated.

"We were really looking forward on this trip."

I rolled my eyes.

Nangongonsensya pa!

"At least do this for your friends?" She smiled.

I tsked. "Fine!" Walang magagawa kong sabi.

As what i've said, rebecca insisted na sa kanilang bahay kami matulog the night before the trip. Since both of her parents are out. Kaya kami narito.

Villarmazan Series #3: Chasing SharvariWhere stories live. Discover now