25

197 14 1
                                    


Chapter 25

To London





Sa ikaapat na beses ngayong araw ay tumunog na naman ang phone ko. Tumawag na naman si mama.

I know i had the choice to just block her number too. Pero parang hindi ko magawa. Dahil siguro parte sa akin ay gusto din siyang makita. Gusto din siyang marinig. Sobrang liit ko pa rin talaga noong huli kong narinig ang boses niya. Sa sobrang tagal ay nakalimutan ko na...

"Ano ba kasi ang sinabi sa'yo ni Incus kagabi?" it was calli who pulled me from my daze.

Dumako ang tingin ko sa kaniya sa passenger's seat. Sumabay na ako sa kanila ni Malleus papuntang school.

"Huh? Uh...w-wala." Tingin ko na lang sa labas ng bintana.

"Tumawag kasi kagabi..." I heard calli whisperingly informed her boyfriend.

Wala akong planong i-correct si calli. Dahil ayaw kong sabihin sa kaniya na ang ina ko na ilang taon akong walang rinig ay bigla na lamang nagparamdam sa akin na parang ligaw na kaluluwa mula Australia at ngayon lang nakarating ng pilipinas. May bagyo at malakas siguro alon sa west china sea!

"Oh. Really?"

"Bakit naman parang hindi ka naniniwala?"

"it's not completely like that, love. It's just that...we were together the whole night. Pumunta ako sa bahay niya. We might've sat and brought out a couple of old glasses. And let's just say the liar owes me a big amount after what I've just learned..." he explained lowly.

Kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya.

It was red light. He leaned, at ginawaran niya ng halik ang gilid ng ulo ni Calli.

"Anong ibig mong sabihin?" si calli.

"May pang-date na tayo..." he chuckled. And Calli became silent.

At kaya naman pala hindi ako tinawagan o kahit message lang man. Pinagpupustahan pala ako! Hindi naman ako tinawagan ni Incus talaga. But he deserved to pay pagkatapos niyang mag-agree roon!

At bakit mo naman hihilingin na tawagan ka, Shanala? para sa ano pa? the voice in the back of my head...again, intervenes.

Habang pababa kami ng sasakyan ay hindi ko naman siya ulit maiwasan na maalala.

Kung saan kasi ako bumababa roon para hindi mahalata ay doon din kami bumaba ngayon. So calli does that, too? Magkaibigan nga kami!

Nang makarating sa classroom, hindi pa nakakaupo ay nilabas ko na kaagad ang phone ko para i-check. So far...hindi na siya ulit nag-attempt na tumawag pa.

Good!

"Sabi sa kabilang section...magpapa-surprise quiz daw siya mamaya!" I heard adelie whispering to our friends. Pero wala sa kanila ang attensyon ko. ni hindi ako kinabahan na mababa na naman ang makukuha kong score mamaya!

I stared at my phone for a while before turning to Rebecca. Bahagya ko siyang hinila sa braso.

"natanong mo na ba si Auricle kung saan tayo?" I whispered at her. as low as possible.

"Natanong. Pero ayaw niyang sabihin sa akin. ah basta! Resort!"

Sumimangot ako. "tanungin mo ulit!"

"Bakit ka ba nababahala roon! tungkol na naman ba 'to sa ibabayad? Sabi ko naman sa'yo! Ako nang bahala! Wag niyo nang intindihin iyon!"

"Oo nga, Shans! Wag mo na panay bring-up! Baka mamaya magbago pa isip niyan!" pinandilatan ako ni Adelie.

"Ikaw! Porket sanay ka sa libre eh!" kinurot siya ni Calli.

Villarmazan Series #3: Chasing SharvariWhere stories live. Discover now