31

137 11 0
                                    


Chapter 31

You're Everywhere



Determinado ako nung tinalikuran ko siya. Nawala lahat iyon nang makapasok ako sa kwarto.

Sumandal ako sa likod ng pintuan.

Kung totohanin ni Malleus yung sinabi niya, siguradong magagalit sa akin si Incus. How can't he be? Sasakyan niya iyon! hindi lamang isang gulong yung sinira ko kundi yung apat talaga! Mamahalin yung sasakyang iyon, kaya paniguradong mahal din ang pagpapaayos.

Come to think of it...wala din naman silbi yung ginawa ko. Nakaalis din naman siya.

"Nakakainis naman kasi yung Malleus na 'yon!" galit na sambit ko.

I glared at the door. Flicked my middle finger, bago tumungo sa higaan.

Binagsak ko ang katawan roon.

I groaned.

Nakadapa kong kinapa ang phone sa higaan. Tinatamad kong tinaas ang ulo. Hindi matagpuan iyon.

"Tangina! nasaan na ba?" Pikon kong bulong.

Mas lalo lamang akong nakaramdam ng pikon nang matagpuan ko nga iyon, pero pagbukas no'n ay wala namang kino-tif notif!

Empty. Parang love life ko.

Hindi pa ba ako nasusumbong ni Malleus?

"Ang tagal naman!" Reklamo ko.

Tinapon ko ang phone sa gilid. Walang pakialam kung nahulog man sa sahig o ano.

Pinikit ko ang mga mata.

Hindi pa nakailang segundo ay minulat ko muli ang mga iyon.

May naalala ako...

Nagtungo ako sa cabinet. Sa may drawer ng mga undergarments ko.

Hinila ko ang isang shirt roon. Sa pinakailalim.

Dinala ko iyon sa ilong ko. Napapikit ako.

It smelled like him. Still...

Sabi nila, malalaman mo kung mamahalin ang isang pabango, dahil nanunuot pa rin ang amoy no'n sa damit mo kahit magtatagal.

Incus sometimes would sleep here with me. Hindi alam ni Calli, syempre.

At may mga naiiwan siyang damit rito.

Since Calli and I take turns on doing the laundry, hindi ko magawang isama sa mga damit ko. Nilalagay ko na lang rito.

It's not like it's dirty. Most of the time, Incus sleeps topless. So it's fine.

Naghubad ako. I put his shirt on. Kahit yung shorts ko ay hinubad ko.

I let myself fall on my bed once again.

Somehow...i felt comfortable. I felt drowsy. And i felt...a hollow feeling on my stomach. It hurts.

Bumuntong-hininga ako ng malakas ay niyakap na lamang ang malaking unan sa gilid ko.

I hugged it so close, so tight, that i imagined it to be him.

Sinubukan kong matulog. But his scent didn't help me at all. I thought it would. It just made it worst for me.

Bumuntong-hininga ako ng malakas.

I felt my nose in pain like i was about to cry.

"No..." I whispered, tired.

Kinuha ko na lang muli ang phone ko. Nasa sahig nga.

Villarmazan Series #3: Chasing SharvariWhere stories live. Discover now