7

170 9 0
                                    


Chapter 7


Ending things




I never really have enough people to guide me growing up. Lumaki ako na tanging si papa lang ang kasama. Habang siya ay nasa bahay lamang, si mama naman ay nasa labas ng bansa nagtatrabaho. She worked as a housekeeper. And fortunately for us, mabait ang naging amo niya roon. Mayaman kaya kung minsan ay higit pa sa sapat ang napapadala sa amin. That's the reason why my father chose to just sit his lazy arse on our house at nakuntento lamang sa perang pinapadala ni mama.

My mother would check up on me from time to time. Pero iba talaga siguro kapag kasama mo ang sarili mong nanay. May mapagsasabihan ka at makapag-gabay sa'yo.

My mother was loyal. My father wasn't.

He became unfaithful kay mama nang hindi pa siya nakapag-isang taon sa abroad. Nakita ko iyon habang lumalaki.

Nasasaksihan ko ang pagbi-video call niya sa 'mga' babae niya sa sala namin.

Yes, sa sala namin.

Hindi niya tinatago sa akin ang pagiging Makati niya. Kung minsan nga ay inuuwi pa niya sa bahay. Pinapakita niya mismo sa akin.

But that's not the reason why I had daddy issues. Kasi noon pa man ay...papa's girl talaga ako. naalala ko pang sa tuwing dinidispilina ako ni mama, 'pag hindi niya ako pinapayagang bilhan ako ng mga laruan o kahit anong makahiligan ko...he would always come into show. Siya mismo ang nagbibigay sa akin.

5th grade. Malaki na ako. Ngunit kay papa pa rin ako tumatabi pag matutulog. Matatakutin kasi ako noon at hindi nasasanay na mag-isa sa kama. Kapag nagising ako at natagpuang hindi ko siya katabi dahil inaayos niya palagi ang motor niya sa labas ng bahay, umiiyak talaga ako at pipilitin siyang pumasok.

Pero kahit gayon. Being a daddy's girl has its limits...

Gustong-gusto kong kalimutan ang lahat na nangyari kaya ako umalis.

He had a soft spot for me despite his stoic, prideful, and troublesome personality.

Or so I thought...

For some reason...nalaman ni mama ang nangyayari dito sa pinas. Naghiwalay kaagad silang dalawa ni papa.

Napilitan si Ussoy na magtrabaho. Or let's just say... he turned his small trading business into a profession.

Selling drugs.

Kilala siya sa amin sa Tondo dahil doon.

Sabihin din nating famous din siya sa mga pulis. He's been in the watch list for years! Pero hindi siya nahuhuli. Ang nahuhuli palagi ay yung runner niya. Si rex. Hindi naman pumapalag ang isang iyon. hindi din nilalaglag ang boss niya. Unlike his boss...rex was loyal. Gago lamang.

Mama on the other hand, hindi lamang si Ussoy ang iniwan. Pati ako.

Nagsisi ako na hindi ako nagsumbong sa kaniya. Baka siguro...ngayon ay kasama ko siya...kasama ang bagong napangasawa niya sa Australia.

This is how I grew up without anyone guiding me. Kaya siguro ganito ang ugali ko. Ganito lamang akong mag-isip. Wala akong mapagtanungan ko anong gagawin ko sa mga sitwasyong ito. Hindi ko rin naman masabi kay Calli.

"Break na tayo."

Sinigurado kong walang emosyon ang mukha ko habang sinasabi ko iyon kay Incus.

Nakitaan ng gulat ang mukha niya.

Villarmazan Series #3: Chasing SharvariNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ