16

192 12 0
                                    


Chapter 16

Game

Third person’s POV

With a capacity of more or less 15,000 , The Mall of Asia Arena was starting to get full. Of course, iyon ba naman ang inaabangan ng lahat na laro. It was the most anticipated game in the whole season!

The arena was packed, majority of students from two different schools. Uniform lahat ang suot nila—based on their school’s identity.

Sa isang side ay puro naka-pink. From Augustine Memorial State University.

Sa kabilang side naman, iyon ang Del Terra University. Some were wearing orange; some are deep blue.

Napupuno ng cheer at tunog ng drums ang buong dome kahit na hindi pa naman lumalabas ang pambato nila. At pumapangibabaw talaga ang boses ng isang grupo ng kababaihan roon.

Rebecca, Peia, Calli, and Nes were already booing the farther side of the group pagkapasok na pagkapasok pa lang nila.

Sinadya talaga nilang doon umupo where they can be seen swiftly from the court. Malapit sa railings. Kamuntikan pa nga silang makahanap ng away dahil may ibang naunang nakaupo na roon. But a certain Elixton Villarmazan vouched for them.

On the other hand, Del Terra’s opposite hitter was nowhere to be seen. Kanina pa pabalik-balik Si Coach Ard at hindi mapakali.

“Where the hell is Servada! Dapat narito na siya ngayon! Malapit nang magsimula ang laro!” kanina pa daan ng daan ang kaniyang palad sa kaniyang putting cap.

“Sabay naming siyang bumaba kanina sa Bus, coach. Tapos bigla na lang siyang Nawala pagkapasok namin dito sa dressing room. Hindi ko alam kung saan nagpunta.” Sagot naman ng kaibigan niyang si Adelie.

“Tawagan mo ulit! Ngayon pa talaga siya nagpasaway! Ibe-bench ko talaga iyang si Servada pag hindi pa siya nakarating dito after 10 minutes!” adelie could swear that she can already see smokes coming out of their coach’s nostrils.

Mabilis naman siyang tumalikod para susubukan ulit na kontakin ang kaibigan.

Shanala can feel her phone vibrating in her bag. Binaba niya ang tingin sa kasama at tinapik ang balikat nito.

"Tama na nga 'yan! Okay na ako. Hinahanap na nila ako sa loob!"

"We still have 30 minutes left. So stay still kung gusto mong mapadali." Incus said in a serious tone.

"Okay na nga ako! Mapapagalitan pa ako ni coach eh!"

"And you're not bothered if i'd be angry? Tingnan mo nga iyang paa mo! Namumula! And by the end of the game, it'll surely swell like an egg on oil!"

"Ang tigas kasi ng ulo mo...sabi nang patapusin muna ang laro bago magpatattoo e!" Dagdag pa ng lalaki.

They were in the parking lot, sa pinakadulo para siguradong walang makakakita sa kanila roon.

Incus was outside his car, while shanala was on the passenger seat. He was kneeling carelessly on the ground while her feet was on his un-kneeled thigh.

Pinapahiran niya ng ointment ang namamagang tattoo ng dalaga. He was also trying to wrap them carefully with a bandage dahil panay ang reklamo ng dalaga na masakit iyon pag nasusuotan na ng medyas.

"Tigilan mo nga ako Incus! What else do you want me to do? E nariyan na 'yan!"

"What if you'll just ask your coach to let you on bench?"

Namilog ang mata ni shanala.

"I'll just act like you never recommended that. For your sake..." Malamig niyang sabi.

Villarmazan Series #3: Chasing SharvariWhere stories live. Discover now