13 (R-18)

390 16 6
                                    



Chapter 13

To stay








Of course, hindi ko naman siya pwedeng yayain na pumasok sa apartment namin. Kasi paano kung bigla na lamang dumating si Calli? Kung sanay alam ko na magyayaya siyang mag-dinner, hindi ko sana sinabihan si calli na dalian niyang umuwi.

Incus volunteered to cook. Kaya bago sa apartment ay dumaan muna kami sa groceries. Mabuti na lang at may bukas pa.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya habang nagpu-push sa cart.

Nagkibit-balikat ako. Pagod na sa paglalakad. Unti-unti na ring nararamdaman ang tama nung sangria na binigay niya.

He's right, sangria is way more effective than tea.

"Kahit ano na lang. Ikaw bahala."

"What about seafood?"

I grimaced. "Baka hindi ako matunawan! May practice pa ako bukas!"

Tumango siya.

"Then...what about pesto?"

"Magpa-pasta ka? Bakit? American ka ba? Ang feeling mo naman..." Bulong ko ng huli.

Napatigil ako nang tumigil rin siya sa pagtulak.

He lightly glared at me.

"Kaya nga tinatanong kita kung anong gusto mo."

"Ikaw na nga ang bahala, diba!?" Pagmamaldita ko pa.

Bahagyang umawang ang labi niya. Ilang segundo ay napahilamos sa mukha.

"Fine. Just don't blame me 'pag hindi mo magugustuhan yung lulutuin ko."

"Kahit ano na nga. Wag lang seafood...tsaka manok. Nakakasawa na yung manok."

"Tao na lang kaya ang lutuin ko para sa'yo?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "What if ikaw na lang kaya lutuin ko para manahimik ka na?"

Nang tumaas ang gilid ng labi niya at tiningnan niya ako ng nakakaloko, alam ko na kaagad ang tumatakbo sa isip niya bago pa niya sabihin.

"Wag mo 'kong simulan." Banta ko. "Bilisan mo na diyan! Kapagod nang maglakad!"

"You can go back to the car if you want." Aniya.

Agad ko namang hinarap ang palad ko sa kaniya.

"Susi."

Nilabas naman niya sa bulsa niya at walang reklamong binigay sa akin.

"Wait for me, you understand? Don't drive around."

"Hindi naman ako marunong mag-drive."

"Exactly my point."

Umirap ako at tumalikod na. Nagpatuloy naman siyang maglakad sa salungat na direksyon.

Hindi pa ako nakalayo-layo nang mapansin ko ang pagtanaw sa kaniya ng mga saleslady sa counter. Gayundin ang iilang mga customer roon na kasing edad ko lang siguro.

Bumuntong-hininga ako ng malakas.

"Isama mo na diyan oh, Babe..."

I dropped the can of whipped cream sa cart namin. Hindi ko alam kung bakit yon ang napili ko. I just grabbed whatever was near me.

Kita ang bigla sa mukha niya. He was dumbfounded.

"Wha--what did you just call me?"

I cleared my throat sabay sulyap sa mga nagtitinginang higad.

Villarmazan Series #3: Chasing SharvariWhere stories live. Discover now