27

180 9 1
                                    


Chapter 27

Cold



Pagkatapos doon sa Las Casas, nagcheck-in naman kami sa isang Hotel resort. Maganda roon at nag-enjoy kaming lahat dahil madaming activities.

There were banana boats, kayaks, flying fish, motor boats, and many more!

Inaayos ko ngayon ang strap ng suot kong two piece. Kulay itim iyon at ang bralette ay mala-corset yung design. Hinuhubog no'n at mas lalong pinapatayo ang dibdib ko.

Iyon ang pinaka-shala na dala kong two-piece. Sinave ko talaga for photo purposes. Lalo na't nag-rent sila R ng glass boat. 'Yung uso ngayon na parang kayak style boat pero transparent? Dahil roon ay kita yung kumikinang na tubig-dagat at mga corals?

Ini-imagine ko na yung mga possible poses ko habang pilit hinahawi ang buhok sa gilid, para maayos ng mabuti ang pagkakatali sa leeg ko.

"Sino susunod?" Rebecca is now back on shore. Ngingito-ngiti siya.

"Sino gustong sumunod? Ikaw pei?" Tanong ko kay peia. Mabilis siyang umiling at nahihiyang napangiwi.

"Kayo na muna. Mamaya na lang ako."

"Sure ka?" Tumango siya.

Iyon din ang sinabi ni Nes. Si adelie hindi ko makita at si Calli ay naroon sa malayo hawak ang phone na parang naghahanap ng signal. Kanina pa siya gano'n.

"Go ka na. Naghihintay si manong oh!" Hinila ako ni Rebecca.

"Paayos muna ako sa likod." Utos ko at tumalikod sa kaniya.

Mabuti na lang ay hawak-hawak ko ang pad ng top dahil...

"Oops!" She smiled nervously. "Sorry."

Sinamaan ko siya ng tingin dahil kamuntikan nang malaglag ang buong bra sa sobrang hila niya ng tali.

"Sa pinakadulo mo i-hook."

"Ano bang gusto mo? Yung sobrang luwa na ng dede mo?"

"Oo. Gusto ko kita sa picture."

"Gagamitin mo sa bumble yung picture no?" Asar pa niya. I snickered.

"Kasama kayo nung kaninang babae ma'am?"

Tumango ako sa lalaking kasama sa kayak. He rowed us sa medyo malayo-layong parte. Binigay ko sa kaniya ang phone pagkatapos.

Umupo na ako at nagsimulang mag-pose. Hinawi ko ang buhok. Meron ding humiga ako.

"May boyfriend ka na siguro ma'am, no? Ang ganda niyo kasi." Sabi niya habang kinukuha ang anggulo ko.

Kumunot ng bahagya ang noo ko.

"Oo meron." Sabi ko na lang para wala nang dagdag na sabi.

"Shit..."

"Anong problema ma'am?"

"Hindi ko nadala yung sunglasses ko."

"Meron ako dito. Gusto niyong hiramin?"

"Okay lang?" Gusto ko talagang may sunglasses eh...

Malaki siyang ngumiti sabay tango. Kinuha niya mula sa maliit na bag na nasa gilid ng kayak ang sunglasses niya. Inabot niya sa akin.

Pero humaplos ang mga daliri niya sa kamay ko nung binigay na niya. Hindi ako sigurado kung sinadya niya ba iyon o hindi. Pero nakatingin kasi siya sa kamay ko. Hindi man lang humingi ng paumanhin.

Villarmazan Series #3: Chasing SharvariWhere stories live. Discover now