4

259 10 4
                                    

Chapter 4

Her stains




Nakauwi na ako. Sa katunayan nga ay tapos na akong maligo. Lumabas ako ng kwarto dahil ihahatid ko ang laundry basket sa maliit na wash room namin. Bodega sana iyon, noong kinuha namin ang apartment na 'to. Pero napagkasundunduan namin ni Calli na gawin na lamang na wash room, binilhan lang namin ng single na washing machine total minsan lang naman kami maglaba. Madalas ay nagpapa-laundry kami. Lalo na kapag masyadong busy.

I whispered a harsh cuss to myself when i remembered that it was my turn to do the laundry that week.


Tinitingan ko pa lang ang naka-pile na maduming damit namin ay tinatamad na ako.

Magpapa-laundry na lamang ako. Tama! Walang magagawa si Calli. Ako naman ang magbabayad eh...


Papabalik na ako ng kwarto nang matigilan. May naririnig akong mga pamilyar na boses sa labas.

Sumagi sa isip ko si Incus.

Oh? Narito na siya? At sinundan pa talaga ako rito? And who is he talking to?

Lumapit ako ng bahagya. Idinikit ko ang tenga sa makapal na pintuan na gawa sa mabigat na kahoy. Bahagya pang tumirik ang mata ko sa itaas ng kisame.

Tila chismosang kapit-bahay talaga ang datingan ko roon.

Hindi nagtagal ay napaayos din ako ng tayo nang biglang bumukas iyon. Napamura ako ng malakas sabay sapo sa kanang pisngi na natamaan ng pintuan.

"Hala! Sorry, shans!" Agad na hingi ng paumanhin ni Calli. Nakangiwi pa siya sabay hawak sa braso ko na tila makakatulong iyon sa pasa na mamayang lilitaw sa balat ko.

"Bakit ka ba kasi nariyan!"

"At ikaw pa ang naninigaw eh ikaw na nga ang bumangga sa akin!"

"Hindi naman ako sumigaw eh..." mahina niyang bulong. Nakanguso.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ba kasing parang nagmamadali kang pumasok? Sino ba yung nasa labas!"

Baka si Malleus? At nag-assume lang ako na si Incus?

Kung titingnan sa reaksyon ni Calli. Hindi ko na kailangan pang kumpirmahin. Pero dahil sigurista ako, binuksan ko ang pintuan at dinungaw.

Sabay na bumaling sa akin ang dalawang magpinsan.

Sumimangot ako nang magtama ang tingin namin ni Incus. Kaagad ko ding isinarado ang pinto kahit wala din namang point dahil nahuli na ako.

"Magbihis ka na doon." Utos ko kay Calli.

Wala din naman siyang sinabi at nagtungo na sa kwarto niya.

Nakahalukipkip akong naghintay ng isang minuto bago tumungo sa pintuan.

I nearly smirked when i saw Incus, still, outside. Mas malapit na siya ngayon sa pintuan. Nakasandal roon sa dingding na tila may hinihintay na lumabas.

Well? Sino pa ba? Edi ako!

"Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na! Baka makita ka pa ni Calli." Taboy ko.

"Nakita na niya ako." Aniya sa mababang boses. Umayos siya ng tayo at hinarap ako.

Humalukipkip ako.

"Nakipag-usap ka sa kaniya? Bakit?"

"Bawal ba akong makipag-usap sa kaibigan mo?" Nahahaluan na ng sarkastiko ngayon ang boses niya.

Villarmazan Series #3: Chasing SharvariWhere stories live. Discover now