The One Night Order

49K 439 19
                                    

PROLOGUE

MAHIGPIT ANG yakap ko sa bag na dala dala ko. Butil butil ang pawis ko habang mabilis na naglalakad papalayo sa trabaho ko. Bahala na bukas. Ipapaliwanag ko na lang ang biglaang out ko. Mas mabuti na ito kesa mahuli niya.

Tiyak na kulong ang kahahantungan ko!

Hinila ko pa pababa ang hood na suot ko sa takot. Masikip na eskinita ang dinadaanan ko dahil ito lang naman ang pwede kong daanan. Tignan na lang natin kung makakaya niyang dumaan sa ganitong klaseng lugar.

Umupo ako sa sulok ng malaking trash can. Sa sulok kung saan halos halikan ko na ito. Gusto ko lang magpahinga kahit saglit. Hindi ako pwedeng maglakad nang maglakad.

Mariin kong sinabunutan ang sarili ko habang marahang tumutulo ang mainit kong mga luha.

Sana... sana hindi ko na lang ginawa 'yon. Sana hindi ako nagpatinag. Kaya ko namang bayaran ang utang nina Mama at Papa, e. Kung maibabalik ko lang... hindi ko gagawin 'yon.

Hinahabol ako ni Matthias Rivera. Ilang linggo na 'kong nagtatago pero nahanap niya parin ako. Hinahabol niya 'ko dahil malaki ang kasalanan ko sakanya.

Marahil sa paningin niya, isa akong kriminal. Which is totoo naman. Nagkasala ako sakanya. Ginawa ko ang nakadiring bagay na 'yon at galit na galit siya. Kung ako rin naman ang nasa posisyon niya, magagalit din ako nang sobra.

"Fuck!"

Napatalon ako sa gulat nang may narinig na familiar na boses. Agad kong tinakpan ang bibig ko sa takot na makagawa ng ingay. Siniksik ko pa lalo ang sarili sa mga basura. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha ko at nanginginig na rin sa takot.

"Damn that girl. She's so fast, huh..." Rinig na rinig ko kung paano niya habulin ang hininga niya.

Natigilan ako nang maramdamang may gumagalaw sa likod ko. Maingat ko ito nilingon at halos panawan ako ng ulirat nang makita kong malaking daga 'yon! Nagtatago sa pwet ko!

Mas bumuhos ang luha ko sa nakita. Pigil na pigil ko ang sariling tumili dahil sa nakita. Nanginginig ang buong katawan ko, nagdadasal na sana umalis na si Matthias.

Dininig agad ng langit ang dasal ko dahil narinig ko ang yabag nito paalis. Tumayo agad ako at napatalon paalis sa gilid ng basurahan.

"Tangina..." Nanginginig kong sabi habang pinapahid ang sarili ko dahil naramdaman ko ring may maliliit na ipis sa binti ko.

Humikbi ako habang pinapagpagan ang sarili ko. Unti unti lang akong natigilan nang may aninong humarang sa ilaw ng poste, dahilan kung bakit nawalan ng ilaw ang tinitignan ko.

Unti unti akong nag-angat ng tingin. Nahugot ko ang hininga nang makita kung sino ito!

Hahakbang pa lang ako pero nahuli na nito ang braso ko!

"B-bitiwan mo 'ko!" Sigaw ko.

"Are you stupid? I almost lost my breath just to catch you, then you'll just ask me to let go of you?" He chuckled.

"Please! Patawarin mo 'ko sa nagawa ko!"

"Patawarin? You're funny. There's no forgiveness to someone like you. A rapist."

Humagulgol ako at hinila pa ang braso ko pero ayaw niyang pakawalan ito. Umiling ako para depensahan ang sinabi niya.

"H-hindi ko alam na gano'n ang mangyayari! M-maniwala ka-"

"Tell me. Why did you do that?! My girlfriend saw us and now she's gone! It's all your fault!" Sigaw niya na halos ikabingi ko. "And the fucking video, huh?! Ganyan ka ba kadesperada?!"

"W-wala akong-Sorry... sorry. Hindi ko ginusto. K-kakausapin ko na lang ang girlfriend mo---"

"There's no way she'll talk to you, you dumb!" Sinapo niya ang panga ko.

Nanlilisik ang mga mata nito at sa tingin ko, pinapatay niya na ako sa isip niya.

"Anong nasa isip mo at ginawa mo 'yon? Do you think I'll let it pass just because it was a good sex? You took advantage of me and my drunkness. You even... put something on my liquor, you whore!"

Napatili ako nang pumulupot ang kamay niya sa leeg ko. Hinahampas ko ang kamay niya dahil hindi ako makahinga pero humihigpit lang ang hawak niya sakin!

"P-p-please..."

Mamamatay na ba ako rito? Ito na ba ang katapusan ko? Paano na ang magulang at kapatid ko? Paano na sila kung wala ako? At paano ito...

Pumikit ako, tinatanggap na ang kamatayan. Kung gusto niyang makaganti sa pamamagitan nito, sige. Naiintindihan ko ang galit ng lalaki.

Akala ko katapusan ko na... pero hindi pa pala dahil binitiwan niya ako!

Napaluhod ako sa maruming sahig at halos laghapin na lahat ng hangin! Hindi ko mabilang kung ilang ubo ang ginawa ko! Mamamatay na ata ako!

"Death is too good for you."

Hinila niya 'ko patayo. Nanlalambot ang tuhod ko at parang mawawalan na 'ko ng malay!

"You know what you deserves? You deserve to go in jail and spend your whole life there. You won't be able to live your life... you'll stay there until you die."

Namilog ang mga mata ko nang mag-umpisa siyang hilahin ako. Sumisigaw ako pero parang walang nakakarinig sakin!

"'Wag! 'wag, please! Parang awa mo na!" Hindi siya nakinig dahil tuloy tuloy lang siya sa kakakaladkad niya sakin! "K-kailangan ko pang buhayin ang pamilya ko!"

Sugat sugat na ang tuhod ko dahil sa kakahila niya sakin at kakaluhod ko.

"Shut your fucking mouth! You can't do anything!"

Umiling ako at umupo na sa sahig. Mahigpit akong kumapit sa braso niya at tiningala siya. Hindi ko na siya halos makita.

"B-buntis ako... h-hindi mo 'ko pwedeng ipakulong. S-sayo ito, d-dala dala ko ang anak mo. S-sorry..."

LESSURSTORIES

The One Night OrderWhere stories live. Discover now