TONO : 41

19.6K 369 50
                                    

CHAPTER 41

KLYMENE

              CAN I REALLY DO this? Kaya ko ba talagang iwanan siya? Pakawalan ang asawa ko? Maging malaya? Kaya ko ba nang wala siya? I don't know, but kakayanin.

I have my family and I have myself. Kaya ko 'yon.

And to Matthias, nand'yan din ang sandamakmak niyang pamilya. Kakayanin niya. Alam kong kaya niya.

Umangat ang tingin ko sa bumukas na pinto ng private room sa isang restaurant kung nasaan ako. Nandito ako ngayon at hinihintay si Mr. Leonardo Rivera.

I saw the old man sitting on his wheelchair kasama ang kanyang secretary. Tipid na ngumiti sakin ang babae at gano'n din ako.

I stood up to greet them. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero nag-mano parin ako sa matanda. He granted my wish to see him.

"Am I late?" He asked, grinning.

"I'm just early," Tipid akong ngumiti sa matanda.

The secretary removed the chair in front of me para doon ilagay ang matanda. Umupo ako sa harapan nito habang nanatili namang nakatayo ang secretary malapit sa pinto.

"You called me for a meeting. What is this all about?" He asked. Sipping a coffee that I ordered for us earlier.

I swallowed hard. Hindi ako nakasagot agad.

I'm so decided to annul our marriage kahit na mahirap at masakit sakin. Pero iba pala talaga ang pakiramdam kapag nandito ka na sa puntong hihilingin mo na 'yon sa taong kayang i-grant ang anumang hihingiin mo.

"Are you going to update me about your graduation?" He smirked. "You want me to attend your graduation, then, hija?"

He doesn't know what happened to me.

Graduation... ang bilis lumipas ng panahon. Noong nakaraan nagsisimula pa lang ako sa fourth year.

"How your marriage, by the way? The last time I asked about you and my grandson, someone saw you having a vacation with him? Hmm. Getting better?" Nag-taas ito ng kilay.

"I'm..."

Don't turn down, Klymene.

"I won't be able to graduate, Sir."

I can't believe I said it straight without cracking my voice. I pressed my lips together nang hindi siya nakasagot.

"I failed my internship..."

He shook his head, not believing me. "That's impossible. You're smart and dedicated."

"Akala ko rin po imposible," Umiwas ako ng tingin sakanya nang mag-init ang gilid ng mga mata ko. "May... may nangyari po kasi. Someone trick me and I accidentally sold Matthias' company."

His eyes widened. "His medicine company?"

Tumango ako.

He cursed. Kinabahan ako dahil baka atakihin siya sa puso or what.

"Do you have any speculations who tricked you?"

Umiling ako. "Hindi rin po nakita sa CCTV yung nagpa-pirma sakin."

He called his secretary. May sinabi siya rito na hindi ko na narinig ngunit tumango ang secretary nito kalaunan.

Nanatili akong tahimik dahil hindi ko alam kung paano ko bubuksan ang usapin tungkol sa annulment namin ni Matthias.

"Are you going to enroll again next school year?" He looks calm now.

Hindi ko rin agad nasagot ang sinabi niyang 'yon dahil hindi rin ako sigurado. Masakit pa ang nangyari sakin at baka hindi ako makapag focus sa school.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now