TONO : 5

17K 250 8
                                    

Warning : Matured content

CHAPTER 5

KLYMENE

         HINDI KO INAALIS ang tingin ko kay Matthias Rivera. Nasa bar na kami at nando'n siya sa harap ng bartender habang tahimik na umiinom. Nasa gilid naman ako habang may hawak din na kopita.

Maingay ang paligid at nakakahilo ang ilaw. May mga sumasayaw sa gitna at feel na feel ang party.

Bakit kaya hindi rin magsaya si Matthias Rivera sa gitna?

"Hi,"

Muntik ko nang maibuhos ang alak na nasa kopita ko nang may lumapit saking lalake. Naka long sleeves itong itim. Hindi siya Filipino base sa itsura niya.

"Do you want some drink? I noticed that you haven't drinking your liquor yet,"

What? E, ano bang pakialam niya? Wala naman ako sa mood na uminom dahil may kailangan akong gawin ngayon. Kapag hindi ko nagawa ito, lagot ang Papa ko.

"Ah, no. I'm fine with this," Bahagya kong tinaas ang kopita ko.

"You sure?" Tumango lang ako. "Are you with someone?"

Umiling naman ako. "I'm alone."

"Oh..." Napatango tango siya. "Are you bored? Looks like you're not enjoying the party,"

Ang daldal naman nito.

"Uhm... I'm just not in the mood."

Umiwas ako ng tingin para ipahiwatig sakanyang ayaw ko na siyang makausap dahil baka makawala pa si Matthias Rivera sa paningin ko.

"Not in the mood? Maybe you want to go somewhere else?"

Natigilan ako nang mas idinikit niya pa ang sarili niya sakin. Hindi pa ako nakaka-react nang hawakan niya ang bewang ko!

"A-ano ba?!" Mabilis ko siyang tinulak.

"What? I thought you're not in the mood to party? Maybe you want to do something else---"

"Aba, gago---"

Namilog ang mga mata ko nang hulihin niya ang pulso ko. He tried to pull me out of the crowd ngunit pumalag na ako.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako! Hindi kita kilala!"

Mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil hindi siya nagpapatinag. Wala ring nakakapansin samin dahil may kanya kanyang ginagawa ang lahat!

"You will like this---"

"What the hell?"

Para akong papel nang bawiin ako ng kung sino. Natigilan ako nang makilala ang may hawak sakin, ang nagtatago sakin mula sa lalakeng dayuhan.

"What's your problem, dude? Give her to me."

Sinubukan akong bawiin ng lalake pero madali akong naiilag ni Matthias Rivera.

"What the fuck is wrong with you?! She's not comfortable with you so why bother? Get the fucking out of here!"

Agad sumilay ang galit ng mukha ng lalakeng dayuhan.

"Who are you to say that? Mind your own fucking business and--"

"I can fucking kick your damn ass out of here if I want to. My cousin owns this cruise."

Nalaglag ang panga ko habang napalunok naman iyong lalake. Siguro kaya ko, hindi niya rin inaasahan ang sinabing 'yon ni Matthias Rivera. Totoo bang sa pinsan niya itong cruise?

Nakipag tagisan muna ng tingin iyong lalake bago lumabas ng bar. Para akong nakahinga nang maluwag nang makita ko ang pag alis niya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling hindi dumating si Matthias Rivera!

The One Night OrderWhere stories live. Discover now