TONO : 15

16.4K 276 23
                                    

CHAPTER 15

KLYMENE

                    PARA AKONG lumulutang the whole time na nasa harap ako ng main dito sa penthouse namin. Nanginginig ang tuhod ko at hindi ko man lang ma-slide ang card key ko dahil sa kaba. Pakiramdam ko mahihimatay na ako agad.

Pagkatawag na pagkatawag ni Matthias, halos liparin ko na ang daan para lang makauwi agad. Ayaw kong pag hintayin ang pamilya ni Matthias dahil sa hiya.

Mariin kong kinurot ang sarili bago nanginginig na binuksan ang pinto. Nilabas ko ang pekeng ngiti para isasalubong sakanila.

Umangat ang tingin ko sa CCTV sa sulok sa bandang taas dito sa tabi ng pinto. Umirap ako ro'n para kung sakaling panoorin man ni Matthias makikita niyang inirapan ko siya.

Mahigpit ang kapit ko sa bag na hawak ko at nangangatog din ang tuhod ko habang naglalakad papunta sa living room.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang sila na nakaupo sa living room at seryosong naghihintay sakin.

Umangat agad ang tingin sakin ni Matthias. Napatayo siya para lapitan ako habang sinubukan ko namang tignan ang mga tao rito sa bahay.

Ang mommy at daddy niya ang mga ito, for sure. At ang dalawang ate niyang walang kangiti ngiting nakatingin din sakin.

"Just stay calm," Bulong ni Matthias sakin. Ngumiti lang ako at tumango sakanya.

"Siya na ba, Matthias?" Nanlamig ako nang magsalita ang mommy nito.

Matthias cleared his throat. "Yes, Mom. Everyone, this is my wife, Klymene Rivera."

Pinisil ko ang mga daliri ko para bumati sakanila. "M-magandang gabi po..."

"Maupo kayo, Matthias," Utos ng daddy niya.

Sinama ako ni Matthias na umupo sa sofa kaharap nila. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa hindi ko mawaring dahilan.

"Kly, they're my parents and sisters, Ate Kelaya and Ate Azariella." Napalunok ako at ngumiti muli.

"Hello po,"

Bumuntong hininga ang mommy nito habang hindi naman sumagot ang iba pa sa pagbati ko.

"Matthias, what's the meaning of this? Hindi ba't si Leah ang girlfriend mo? What's the sudden change? Kung nag break kayo, bakit ang bilis mo naman atang ikasal? At hindi mo man lang sinabi samin?" Sambit ng ate niyang kulay red and buhok.

"Well..."

"Why? Pinikot ka ba niya?" Namilog ang mga mata ko nang sabihin 'yon ng isa niya pang ate.

Hindi ako makasagot dahil tama naman siya. Pinikot ko nga ang kapatid niya para maisalba ang reputasyon naming dalawa. Binlackmail ko nga ito para pakasalan ako.

"Please, stay calm. I know what I am doing---"

"No, you're not. You really think that this is a joke, Matthias? You got married with a stranger," Mariing sambit ng daddy niya. Hindi na 'ko makangiti ngayon.

"It's not like I chose this kind of scenario to pull a prank, Dad. I married her for a reason," Matthias spat back.

"What reason, then? Kung bored ka sa buhay mo at gusto mo na mag-asawa, bakit hindi na lang si Leah? Bakit sa babaeng 'yan pa? Do you even know her? And her family, kilala mo ba?" Sabat muli ng ate niyang red ang buhok.

Matthias sighed. "Please, stop treating me like a kid. I'm old enough to decide who I want to marry," Inis na sagot ni Matthias.

"Are you sure you want to marry her, huh?" Naniningkit ang mga mata ng ate niyang isa.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now