TONO : 28

17K 305 20
                                    

CHAPTER 28

KLYMENE

                    "I... I WANT THIS marriage to work. I want to take our marriage seriously, Klymene..."

Hindi ako nakagalaw sa sinabi niya. Feeling ko nawala ang kalasingan ko dahil sa sinabi niya. Pero pakiramdam ko rin, nabuhay ang buong pagkatao ko.

"A-anong sinabi mo?"

Hindi kaya nabibingi lang ako?

He looked at me directly into my eyes.

"I want us, Kly. I want our marriage to work," He said, clearly.

"Lasing ka lang---"

"I am not. I am freaking serious, Klymene. I want this to work,"

What? bakit ngayon pa? Totoo ba ang sinasabi niya o nakikipag lokohan lang siya sakin? Kasi kung niloloko niya lang ako, hindi nakakatuwa!

"Maghihiwalay din tayo kaya hindi na dapat natin gawin 'yang gusto mo."

Tama naman ako, hindi ba? Hindi ko na rin gugustuhin pang mapalapit ang puso ko sakanya. Parang hindi ko kayang tanggapin na tatanggap ako ng lalakeng nahuli kong nakikipag halikan sa bahay mismo namin.

"Please..."

What?!

"Gusto mo bang gumanti sakin? Dahil sinira ko kayo ng girlfriend mo, ha? Gano'n ba 'yon? Gusto mo 'kong gantihan para--"

"This isn't for revenge, Klymene. I said, I want us." He repeated.

"Pero---"

"Don't answer yet. I don't need your answer now. I can wait, Kly. I can wait,"

Then he gave me a kiss again as he slowly distanced himself to me.

He left our suite. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero tingin ko mabuti na rin 'yon dahil hindi ko alam ang gagawin ko ngayon.

He wants us to work. He wants us to try.

He kissed me, on my lips. For the first time in our marriage, hinalikan niya ako sa labi.

He wants us to work... anong dapat kong gawin?

Ayaw kong umasa saming dalawa. Mas lalong ayaw kong mapalapit sakanya ang puso ko. Ayaw kong sa bandang huli, ako ang luhaan.

What if he's only doing this for revenge? Because I ruined his life?

But... am I worth revenging for? Worth it bang pag-aksayahan ng panahon ang katulad ko para lang masaktan? I don't know. I don't want to know.

...

                MATTHIAS AND I went back to the Philippines about two weeks of touring ourselves around. Sa dalawang linggo na 'yon, pakiramdam ko hindi ko kilala ang kasama ko.

Malambing siya at maasikaso. Hindi ako sanay sa ginagawa niyang 'yon at laging nagugulat sa t'wing naglalambing siya.

Nang makabalik kami sa Pilipinas, isang linggo ang lumipas hanggang sa sinabi niyang he broke up with Leah!

What the hell. I never imagined him breaking up with his girlfriend!

Pero napatunayan ko 'yon nang lumitaw si Leah sa company ni Matthias at saktong nandoon ako sa opisina nito dahil may papapirmahan.

"I don't believe you!" Leah screamed. "Anong pinakain sayo ng babaeng 'to?!"

She pointed me. She looks miserable now. I wonder why, but I think I already know. She just lost Matthias kaya wala na siyang source of money.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now