TONO : 12

16.6K 251 6
                                    

CHAPTER 12

KLYMENE

    
                     ANG SABI NIYA kagabi, tatawagan niya ako para pumunta sa kwarto niya para magawa namin 'yon. Hindi ko alam kung paano ko siya matatakasan na gawin 'yon sakin.

Alam ko naman ang responsibilidad ko bilang asawa niya kahit pa sabihing peke lang ang kasal namin at hindi ito seryoso. Pero kung gusto niya talagang gawin 'yon, gusto ko yung lasing ako para hindi ako matakot sakanya at para kinabukasan ay hindi ko ulit maalala ang lahat.

Wala si Matthias ngayon. Pumasok siya sa trabaho at uuwi na siya maya maya. Pauwi na siya pero hindi parin ako makaisip ng paraan kung paano ako makakatakas sakanya.

Kung pumasok kaya ako sa club ngayong gabi?

Pero hindi kaya siya lalong magalit sakin? Pero kung mas magalit man siya, anong pinagkaiba no'n? Masasaktan at masasaktan parin ako.

Sa huli, nagdesisyon akong pumasok sa club nang hindi nagpapaalam sakanya. Dala dala ko ang bag na lagi kong ginagamit. Nag-taxi na rin ako kahit halos wala nang laman ang wallet ko.

Binilhan ako ng mga damit, gamit, at alahas ni Matthias Rivera kahapon pero wala siyang binigay na pera sakin which is okay lang. Hindi ko siya inuobliga na bigyan ako dahil kaya ko namang buhayin ang sarili ko.

"Klymene?! Mabuti naman at nagpakita ka na!" Halos lundagin ako ni Paye nang makita niyang dumating ako.

"Nasasakal ako, sandali!" Awat ko sakanya.

"Ang tagal mong nawala! Saan ka ba pumunta, ha? Alam mo bang sinabi ko kay boss na may problema ka lang kaya hindi ka pumapasok at para hindi ka tanggalin?!" Singhal niya sakin.

Bigla kong naalala ang tungkol do'n. Oo nga pala, bigla na ang akong umalis no'n dahil sa takot ko kay Matthias na mahuli ako pero kinasal din naman kami pagkatapos ng habulan.

"Salamat, Paye. Huwag kang mag-alala, hindi na 'ko aabsent ulit. May kailangan lang talaga akong asikasuhin," Umiwas akong tingin sakanya sa takot kong makita niyang nagsisinungaling ako o ano.

"O, sige na. Magbihis ka na at sinulan mo nang maglinis ng lamesa. Ako na ang bahalang kumausap kay boss."

Tinapik pa nito ang balikat ko bago ako nilagpasan. Pumunta naman ako sa staff room para iwan ang bag ko. Nakabihis naman na ako bago pa umalis pero may suot akong jacket kaya 'yon na lang ang tinanggal ko para makapagsimula na.

Masyadong maraming costumer ngayong gabi. Malamang at araw ng sweldo kaya maraming tao rito sa club.

Feeling ko mananakit ang katawan ko sa dami ng lamesang lilinisan ko! Umismid ako. Well, mas okay na ito kesa kay Matthias sumakit ang katawan ko ngayong gabi. Siguradong pag-uwi ko, tulog agad ako dahil sa pagod.

Habang naglilinis ako, nahagip ng mata ko ang lalakeng nakaaway ko noong huli. Agad itong umiwas ng tingin sakin nang makitang masama ang tingin ko sakanya. 'Wag niya 'kong susubukan ngayon, ha!

Tumagal ng tatlong oras akong paikot ikot do'n para linisan ang mga table nila at kunin na rin ang order nila.

"Miss beautiful--"

"Gago, pre! 'Wag d'yan, binuhusan ako ng alak niyan noong huli."

Nag-init ang ulo ko nang makita ang lasing sa likod ko na mukhang manggugulo. Nasa likod niya ang lalakeng kaaway ko noong huli. Hinila niya agad yung lasing palayo sakin.

Akala ko gagaan na ang pakiramdam ko dahil wala na ang dalawang 'yon pero halos lumutang ako nang makita ko kung sino ang bagong pasok sa pinto ngayon.

Seryoso ang mga mata niyang gumagala ngayon sa bawat sulok ng club para siguro hanapin ako. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at hinintay siyang tumingin sakin.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now