TONO : 7

16.6K 272 20
                                    

CHAPTER 7

KLYMENE

                BUNTIS BA AKO? Paulit ulit kong tinatanong 'yon sa sarili ko nang lumipas ang ilang linggo. Naalala ko kasi yung sinabi ng matandang 'yon. Baka buntis daw ako.

Umalis na 'ko sa trabaho ko sa restaurant dahil pakiramdam ko babalikan ako ni Matthias Rivera sa trabaho kong 'yon kaya naman doon ako sa club nagta-trabaho as a waitress.

Nakalaya na si Papa. Nangako ito saking hindi na uutang kung kani kanino at pipilitin na rin niyang hindi na magsabong.

Back to the topic. Hindi ko alam kung buntis nga ako. Pero kung buntis ako, lagot ako! Hindi ko alam kung anong gagawin ko no'n. Sana naman walang bata sa t'yan ko dahil wala akong idea kung anong dapat kong gawin.

Bumili ako ng pregnancy test pero hindi ko alam kung gagamitin ko na ba o ano. Hinintay ko munang ako muna ang matira sa bahay dahil ayaw kong maistorbo nila ako.

Tungkol naman kay Matthias Rivera, hindi ko alam kung hinahanap niya parin ba ako o ano. Sana hindi na.

Wait... kung totoong buntis nga ako at kung lumabas ang video namin ni Matthias Rivera, ano na lang ang sasabihin ng anak ko?! Na may scandal ang nanay niya?!

Mariin kong sinabunutan ang sarili dahil sa inis.

Sa huli, ginamit ko na rin ang pregnancy test. Sabi sa directions, three drops are enough na raw kaya sinunod ko na. Hintayin ko lang ang ilang minuto bago lumabas ang resulta.

"Sana wala..." Dasal ko habang nakatitig sa salamin. "Hindi pwedeng meron,"

Unti unting bumaba ang tingin ko sa pregnancy test.

Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang makitang dalawang guhit ang nakaukit do'n!

Isa lang ang ibig sabihin no'n... tangina. Buntis ako!

Isang gabi lang 'yon, ah?! Isang gabi lang tapos nabuntis agad ako?! Anong klaseng lalake 'yon?! Nakakainis! Paano na ang gagawin ko nito?!

Lumapat ang kamay ko sa t'yan ko.

"Bakit naman... nand'yan ka, anak? Bakit and'yan ka na agad?" Humikbi ako.

Hindi ko magawang magalit dito kahit na pakiramdam ko, ang daming masasayang dahil dumating siya. Hindi ko magawang magalit dahil inosente ang batang 'to at hindi naman niya ginustong nandito siya.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin 'to sa tatay mo. G-galit na galit siya sakin," Mas naging masagana ang luha ako.

Sigurado akong hindi niya ito matatanggap. Sino ba naman kasi tatanggap, e, isang gabi lang 'yon at hindi naman namin kilala ang isa't isa?

Bumalik ako sa kwarto dala dala ang pregnancy test. Nilagay ko 'yon sa maliit na plastic at pinasok sa bag ko. Ayaw kong iwan ito dahil baka kung ano lang ang malaman nila.

Natulog ako buong araw dahil may pasok pa 'ko mamaya. Wala akong planong tumigil sa trabaho dahil lang sa buntis ako.

Gabi na nang ginising ako dahil kumain na raw muna kami bago ako pumasok. Gusto kong mag-reklamo sa panggigising na ginawa nila pero hindi ko magawa dahil na-appreciate ko rin naman ang pag-aaya nila saking kumain.

"Wala ka pa bang boyfriend, Klymene?" Biglang tanong ni Mama.

"Wala po," Dahil 'yon naman ang totoo. Anong ipapakilala kong boyfriend kung sakali? Multo? Hangin?

"'Wag ka munang mag-aasawa, Klymene, ha. Ang bata mo pa," Singit ni Papa.

Bumagal ang pagkain ko dahil sa sinabi niya. Mapait akong napangiti dahil alam ko namang hindi ko masusunod ang sinabi ni Papa.

The One Night OrderUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum