TONO : 29

17.6K 329 29
                                    

CHAPTER 29

Warning : 🔞

KLYMENE

                      "KLYMENE, HINDI ba 'yon ang kotse ng asawa mo?" Siniko ako ni Sabel habang nginunguso ang kotse na kakarating lang. "Asawa mo nga," Dugtong pa niya nang lumabas si Matthias mula ro'n.

Sinayaw ng hangin ang buhok ko habang hindi ko parin maalis ang tingin kay Matthias na ngayon ay naka-shades pa talaga at sinusundo ako ulit!

Ang gwapo niya, ah? Anong meron? Dahil ba nakadilig siya kagabi?

Humagikgik ako bago nilapitan ang asawa ko. Kumaway ako sa kaklase ko na si Sabel para magpaalam.

Mabilis lumipas ang mga araw at nire-required na kaming maghanap ng school kung saan kami mag-iintern. Mabuti na lang at inalok na ako ni Ford kung hindi ay for sure mahihirapan ako. Next meeting, kailangan namin i-present ang school na napili namin.

"Hi," He gave me a kiss on my lips. I welcomed his kiss naman dahil ang sarap sa pakiramdam kapag hinahalikan niya ako. Ang lambot kasi ng labi niya.

"Wala kang pasok? Ang aga mo,"

Hindi na dapat ako magulat dahil lagi naman niya akong sinusundo simula nang maging maluwag ang schedule niya. Noong huli kasi ay madalas siya sa out of town para i-meet ang iba pang chemist.

He smirked. He went closer to me until his lips leveled my ear. "I finished it all, so, we could have the rest of the night,"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"A-ano ba 'yang sinasabi mo,"

Bigla kong naalala kagabi. May nangyari samin kagabi kaya nakakagulat na gusto niya ulit ngayon?

He chuckled as he pinched my cheek. "I meant date, Kly. I will date you tonight. We're not going home. We're going to my beach resort,"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Beach resort?! Ngayon na?!

"If only you're not busy," Pahabol niya dahil alam naman niyang saming dalawa, ako ang mas busy.

Ngumiti ako rito at umiling sakanya. "Hindi naman ako gano'n ka-busy. Ang sabi kasi samin, maghanap ng school kung saan kami mag-iintern at nakahanap naman na ako. Doon sa university ni Ford,"

"Then, that's great. We literally have the rest of the night together. Good thing you have nothing to do. I'm sure you'll get so tired tonight,"

Umawang ang labi ko sa gulat.

So, totoong may binabalak nga siya? Sa sinabi niyang 'yon, parang kinumpirma niya lang sakin ang iniisip ko.

Nanulis ang nguso ko. Pero tama naman siya. Mabuti nga at wala akong kailangang gawin kaya... samin ang buong magdamag.

"Gago," Umirap ako sakanya kahit na sumisilip parin ang ngiti ko.

Tumatawa niya nang pagbuksan niya 'ko ng pinto ng sasakyan. At katulad ng gusto at plano niya, pumunta kami sa private resort niya.

Malayo ang binyahe namin pero hindi naman boring dahil hindi rin naman kami tumitigil sa pag-uusap. We were holding hands the whole time we're on our way.

He kissed my hand and that made my heart beat so fast. I smiled gently.

"I brought our clothes bago ako pumunta sa school mo kanina," He said. Natawa ako sa sinabi niya.

"Paano kung busy pala ako? Hindi ka dapat nagdadala agad ng mga damit dahil hindi naman sure kung busy ako o hindi. Sayang lang ang effort mo kung sakali,"

The One Night OrderWhere stories live. Discover now