TONO : 3

16.6K 270 9
                                    

CHAPTER 3

KLYMENE

                     TWO HUNDRED thousand pa para makabuo ako ng isang milyon. Mariin akong napasabunot sa buhok ko. Dalawang buwan na lang ang natitirang palugit! Gano'n kabilis lumipas ang mga araw at wala pang isang milyon ang ipon ko! Para akong mababaliw.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko," Mahinang bulong ko habang pinagmamasdan ang paningin sa salamin.

Hindi naman sa nawawalan ako ng pag-asa pero... dalawang buwan na lang ang natitira tapos ni walang isang milyon pa ang naiipon ko.

Masama ang loob at tingin sakin ni Mama mula nang mag-away kami. Hindi ko na lang siya pinapatulan dahil ako lang din ang mamomroblema kapag pinatulan ko pa siya.

Panay pa rin nag pagpaparinig niya tungkol sa aircon.

"Bakit ba kasi hindi ka na lang mag-asawa ng mayaman, Klymene? Ang ganda ganda mo. Baka sayangin mo pa ang ganda mo sa tambay d'yan sa labas?"

Umirap ako sa kawalan.

Mukha bang interesado akong mag-asawa? At magpapakasal ako para sa pera? Wala ba 'kong dignidad?

"Asan po si Papa?" Tanong ko rito. Nag-taas siya sakin ng kilay.

"Malay ko."

Inirapan pa ako nito bago umalis sa harap ko. Feeling ko galit siya sakin dahil hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Hindi ko na masyadong nakikita si Papa dahil may trabaho. Sa t'wing magkikita naman kami, ilag din siya kaya hindi ko alam kung gusto niya ba akong makausap o ano dahil pakiramdam ko umiiwas siya sakin.

Ano bang trabaho niya?

Wala akong pasok ngayong araw pero meron mamayang gabi. Hindi ko naman expected na magkikita kami ni Papa sa bahay pero nabigla ako nang umuwi siya.

"Oh? Wala kang pasok?"

Hinubad niya ang sumbrero niya at binaba ang bag.

"Mamaya pa pong gabi."

Pinagmasdan ko ang suot niya. Maayos naman. Kung may trabaho siya, walang uniform?

"Ano pong trabaho niyo pala, Pa?"

"Ha?" Lumikot ang mata niya. "Teka nga. Kararating ko pa lang question and answer na agad sinasalubong mo sakin. Ipag-timpla mo muna ako ng kape,"

Natahimik ako.

Wala naman akong ibang nagawa kung hindi ipag-timpla siya ng kape. Mukha ring pagod siya. Wala naman si Mama dahil lumabas ng bahay.

Nilapag ko ang kape ni Papa.

"Ano pong trabaho niyo, Pa?"

"Huwag ka nang maraming tanong, Klymene. Ito," Inabot niya ang bag niya at may dinukot ro'n. Namilog ang mga mata ko nang makita ang nilabas niya mula sa bag.

Pera!

"Pa?"

Inabot niya sakin 'yon.

"Bente mil 'yan. Yung utang ng Mama mo, ako na ang nagbayad. 'Yang bente mil idagdag mo sa ipon para sa utang ko. Dadagdagan ko pa 'yan sa susunod."

Laglag ang panga ko habang titig na titig sa perang binigay sakin ni Papa. Hindi ako makapaniwalang nag-abot siya sakin!

"A-ano po bang trabaho niyo---"

"'Wag ka nang maraming tanong, anak." He gave me an assuring smile. "Pasensya ka na kung ikaw pa ang namomroblema dito sa utang ko,"

Masama parin ang loob ko kay Papa dahil sa pag-utang niya sa matandang 'yon pero wala na 'kong magagawa. Kailangan kong tanggapin na ganito talaga ang desisyon niya. Isa pa, tanggapin ko man o hindi, wala na rin akong magagawa.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now