TONO : 23

16K 269 11
                                    

CHAPTER 23

KLYMENE

                    NANGINGINIG ANG mga kamay ko habang hindi maalis ang tingin ko kay Leonardo Rivera na ngayon ay nasa gitna na at pinapalibutan ng mga anak niya.

Nanatili akong nakatayo at hindi parin makapaniwalang nakatingin dito. Wala na sakin ang tingin niya pero alam kong ramdam niya ang presensya ko.

Pakiramdam ko... nadaya ako.

Ramdam ko na ang mainit na luhang nasa mata ko kaya bago pa 'yon kumawala, nagmamadali na agad akong umalis doon sa table namin.

May mga nakapansin ng pag-alis ko pero walang nakialam. Tuloy tuloy ang labas ko ro'n. Naghanap agad ako ng pinakamalapit na comfort room para doon isiksik ang sarili ko dahil hindi ko na kinakaya ang paninikip ng dibdib ko.

Bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Ang matandang 'yon... Lolo pala ni Matthias. Kaya pala gano'n na lang niya pakialaman ang buhay ng lalake dahil bunsong apo naman pala niya ito.

Pero tangina... bakit nadamay ako?

Buong akala ko, ako ang nakasira ng buhay. Na ako yung may kasalanan o masama saming dalawa dahil ako ang pumikot pero ngayon nalaman ko na Lolo pala 'yon ni Matthias, pakiramdam ko ako ang naging totoong biktima at napikot. Nadamay lang ako.

Ang pinoproblema lang naman ng Leonardo Rivera na 'yon ay ang apo niya pero nadamay ako! Nadamay ako dahil sa Matthias na 'yon!

"Klymene?" Napatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ng babaeng bagong pasok sa restroom.

"A-ate Felisse..." I wiped my tears. Nakakahiya at nakita niya pa akong ganito.

"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?" Nag-aalala nitong tanong at nilapitan agad ako.

"Uh, opo. May naalala lang kasi ako kaya ganito pero okay lang naman ako," Ngumiti ako sakanya.

"Sigurado ka?" Tumango agad ako.

Tipid lang siyang ngumiti bago pumasok na sa isang cubicle. Lumabas naman ako nang pakiramdam ko, kumalma na ako.

Nagulat ako nang makita ko ang secretary ni Leonardo Rivera na nasa labas din ng restroom at mukhang may hinihintay.

Nagtangis ang ngipin ko at nagmamadaling lumapit dito. I grabbed her arm and gripped it. Kalmado lang itong nakatingin sakin.

"Anong ibig sabihin nito? Apo pala ng matandang 'yon si Matthias?" Nanggagalaiti kong tanong.

She gently removed my hand on her. Kalmado parin itong nakatingin sakin.

"Please, calm down, Ms. Velasco." She cleared her throat. "Ginawa 'yon ni Mr. Rivera dahil gusto niyang iligtas ang asawa mo mula sa golddigger nitong girlfriend. Ikaw ang naging way upang makawala si Matthias sa girlfriend niya at nag-succeed naman, hindi ba?"

What?

"Nag-succeed? Tingin niyo ba dahil sa ginawa niyo samin ni Matthias, iiwanan na lang niya ang girlfriend niya nang gano'n gano'n lang? Hanggang ngayon, sila parin! Wala akong maitutulong sa gusto niyong mangyari kaya sabihan mo 'yang amo mo na ipatigil na sakin 'to! G-gusto ko nang kumawala. Gusto ko nang makipag-hiwalay kay Matthias!"

Katulad kanina, tuloy tuloy din ang pag-agos ng mga luha ko dahil sa sobrang frustation.

"Ang pinag-usapan niyo ni Mr. Rivera ay kahit ilang taon lang. Wala pa kayong taon na nagsasama, Ms. Velasco. Maybe you and your husband can give it a try--"

"Nagpapatawa ba kayo? Hindi mangyayari 'yang sinasabi niyo dahil unang una, si Leah na girlfriend naman talaga ni Matthias ang gusto nitong pakasalan at hindi ako. Kahit ilang taon pa kaming magsama ni Matthias, hindi 'yon magwo-work lalo na't ayaw ko!" Tumaas kaonti ang boses ko. Mabuti na lang at walang tao.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now