TONO : 24

16.7K 296 21
                                    

CHAPTER 24

KLYMENE

                    "MAY PUPUNTAHAN LANG ako sandali," Tumayo agad ako mula sa pagkakaupo sa kama nang makatanggap ako ng text mula sa secretary ni Leonardo Rivera.

"And where are you going at this time?" Tumayo rin siya. He's topless now. Nagreready na kasi siya maligo.

"May kikitain lang. Babalik din ako agad,"

He rolled his eyes. "Oh, come on. If you want to fuck around, why don't you use me? Hindi ka pa magkakasala. I'm pretty sure my performance is way better kumpara sa kikitain mo. I'm about to take a bath. Sumabay ka na sakin,"

Hinilot ko ang sintido nang tumibok iyon dahil sa inis. Bakit ba lagi na lang niya 'kong pinagbibintangan? Gawain kasi, e.

"Gusto kong sumubok ng iba. Pangit naman kung ikaw na lang palagi, hindi ba? Baka magsawa agad ako sayo," Ngumisi ako.

His jaw tightened at mukhang napikon sa sinabi ko.

"You're really a whore," He shook his head.

Nagtangis ang ngipin ko. "Same as you, Matthias. Don't you ever deny it. Alam natin parehas na gano'n ka rin,"

Matalim niya 'kong tinignan.

"You're not leaving this suite," Mariing sambit niya.

"Hindi ikaw ang magdedesisyon kung anong gagawin ko sa buhay ko, Matthias,"

He smirked. "Nah... as long as you're my wife, I can control you."

Wow. Putangina talaga nito.

Tinignan ko ang orange juice sa bedside table at ang button down niyang nakalapag sa sofa.

Walang pag-aalinlangan kong kinuha ang juice at binuhos 'yon sa damit niyang kulay puti.

"What the hell are you doing?!" Nalaglag ang panga niya sa ginawa ko.

"Ang hirap mong kausap, e. Nagpaalam na nga ako sayo ng maayos pero kung ano anong sinabi mo. Ngayon, tignan natin kung mapipigilan mo pa 'ko. Tignan natin kung makakalabas ka ng suite na 'to nang walang pang-itaas,"

Wala na akong pinalagpas na pagkakataon. Tumakbo agad ako palabas sa suite namin.

"What the fuck?! Klymene!"

Mabilis ang takbo ko papunta sa elevator. Mabuti na lang at bumukas agad 'yon para sakin. Hindi ako naabutan ni Matthias.

Pagkarating ko sa rooftop, nakatanggap agad ako ng text mula kay Matthias. Hindi naman importante. Pinaalam niya lang ang galit niya sakin and that's all. Lagot daw ako mamaya.

Umirap ako at sinuksok ang phone sa purse na hawak bago tinanaw ang chopper. Tanaw sa loob si Leonardo Rivera. Hindi naman lilipad ang chopper. Pinili lang niyang dito kami magkita.

Sa ground ay ang sekretarya nito kasama ang ilang bodyguards.

"Master L is waiting for you," The secretary said.

Hindi ko siya kinibo at umakyat na lang sa chopper. Now that I can see this old man without wearing his fake face that he was using earlier... gusto kong ihulog ito.

Magkatapat kami at hindi ko maalis ang tingin sakanya. Kalmado lang siyang nakatingin sakin na para bang hindi na siya nabigla sa reaksyon ko ngayon.

"Why do you want to see me, Ms. Velasco--- I mean, Mrs. Rivera?" He chuckled and smirked. Para bang inaasar niya ako sa pangalan ko ngayon at hindi naman siya nabigo dahil totoong napikon ako.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now