TONO : 2

18.3K 228 9
                                    

CHAPTER 2

KLYMENE

                            "ANONG SINABI MO? Apat na milyon?! Kly, sabihin mo nga sakin, nagdo-droga ba 'yang Papa mo?"

Pagod kong binaba ang calculator. Hindi ko alam kung magandang idea ba na sinabi ko kay Paye na gano'n kalaki ang utang ng pamilya ko o hindi. Paano ba naman kasi, binubungangaan niya na ako ngayon.

"At may mga utang pa ang mama mo, ha? Pati sa school ng kapatid mo and bills? Grabe naman, Kly. Ano bang tingin sayo ng pamilya mo, alipin nila?" Bumuntong hininga ako at binalingan siya ng tingin. Hindi rin ako maka-sagot dahil tingin ko naman, tama rin siya. "Kaya pala halos mag-fishball ka na lang dy'an sa labas! Kaya pala halos lahat ng trabaho, pinapasok mo na!"

"K-kaya nga kung may alam ka pang ibang trabaho, tulungan mo 'ko. Hindi pwedeng hindi ako maka-abot sa deadline ng utang ni Papa."

Although... anim na buwan pa naman ang deadline pero hindi parin 'yon sapat lalo na't sobrang konti pa lang din ng ipon ko.

"Nako. Magkano ba na ba 'yang ipon mo?"

Binalikan ko ng tingin ang calculator.

"Two hundred sixty thousand. Kasama na ro'n yung ipon ko noong nakaraang taon,"

Nag-iipon ako para sa internship ko. Gusto ko kasing maging teacher pero huminto muna ako dahil feeling ko, masyadong magastos ang internship lalo na't wala naman akong mga gamit para gumawa ng presentations kung sakali mang mag-intern ako. Yung ipon ko, para sana ro'n pero mukhang... made-delay na naman.

Napatampal ito sa noo niya. Parang tuloy pati problema ko ay naipasa ko na sakanya. Nakakahiya...

"Hindi ka man lang ba nila tinutulungan d'yan, Kly? Utang naman nila 'yan at hindi sayo,"

Inilingan ko lang siya. Imposibleng tulungan nila akong bayaran ang utang ko. Ngayon nga, parang wala lang sakanilang may gano'n silang kalaking utang. Ni hindi nga nila napapansin na halos hindi na 'ko umuuwi para lang mag-trabaho.

"Alam mo... hindi ko alam kung papayag ka pero sigurado akong matutulungan ka nito,"

Binalingan ko ito ng tingin. Alam ko namang kung ano anong trabaho ang pinapasok nitong si Paye pero alam kong hindi niya ako kayang ipahamak. Sa lahat ng tao, sakanya ako may pinakatiwala.

"Ano ba 'yon?"

"Meron sa online ngayon na binibenta yung sarili nila para sa---"

Napailing ako agad. Mahina akong tumawa habang umiiling.

"Hindi ko kayang gawin 'yan."

"Kahit milyon ang ibabayad sayo?"

Hindi ako nakapag-salita. Milyon?

Papayag ba ako? Pero... wala pa akong karanasan sa gano'ng bagay kaya sayang naman kung sa kaninong tao ko lang ibibigay ang sarili ko. Isa pa, hindi ko ata kayang sikmurain kung gano'n ang kahihinatnan ko.

"A-ayoko, Paye---"

"Tignan mo 'to," Inilapit niya sakin ang cellphone niya.

May isang site ro'n kung saan pwede kang mag-send ng resume online para sa auction. Paubusan kasi ng slot at maswerte ka na kung makakasali ka. Nakita ko ring hindi basta basta ang bili sa mga babae. Lalo na kung wala ka pang karanasan.

"Hindi naman kita pinipilit, Kly. Suggestion ko lang ito kasi mukhang gipit na gipit ka na."

"Nagawa ko na 'yan noon. Nasuka lang ako."

Iniwas ko ang tingin sa cellphone niya dahil pati ako, naaakit na sa sinasabi niyang 'yon.

Unti unti kong naramdaman ang inis para sa pamilya ko. Nang dahil sa utang nila naiisipan kong ibenta ang sarili ko na para bang buhay ko ang nakasalalay.

The One Night OrderOnde histórias criam vida. Descubra agora