TONO : 27

16.7K 328 31
                                    

CHAPTER 27

KLYMENE

                           PADABOG AKONG umupo sa tabi ni Matthias. Nagulat pa siya sa biglaang pagdating ko, but I don't care. Nilabas ko ang pregnancy test na nasa bag ko.

Nasa eroplano na kami. Class A ang kinuha niya para raw comfortable kaming dalawa at may privacy.

Walang direct flight from Manila to Madrid kaya may mga stop overs pa kami pero hindi naman 'yon issue samin, lalo na sakin.

"What's the result?" Matthias fixed the blanket on his legs.

Since kulang na kami sa oras para magpa-check up pa, bumili na lang kami ng pregnancy test kanina bago pumuntang airport dahil ito ang pinag-aawayan namin kagabi pagkatapos niya akong pagbintangan na buntis daw.

"Five minutes," Tinignan ko ang pregnancy test at wala pa itong nilalabas na resulta.

He nodded. He tried his best to look cool pero pabalik balik ang tingin niya sa pregnancy test kaya halatang kinakabahan siya.

Gano'n ba niya kaayaw magka-anak sakin?

"Kapag may nabuo talaga, kasalanan mo 'to dahil hindi ka gumamit ng condom." Sambit ko sakanya.

"Tss." He rolled his eyes.

"Anong plano mo kung meron man?" Hindi ko na napigilang magtanong dahil kinakabahan na rin ako sa resulta. "Don't tell me ipapalaglag mo 'to?" Kabado kong tanong.

"What the hell, Klymene?" Inis niya kong tinignan. "I am pro-choice, but I will never do that to my own flesh and blood. If there's a baby inside you, then we will raise the baby together."

Nagulat ako sa sinabi niya.

Together?

"Anong sinasabi mo r'yan? Anong together, e, maghihiwalay din naman tayo? Co-parenting, Matthias. 'Yon dapat. Ayusin mo naman ang term mo."

Bigla akong kinakabahan sa sinasabi niya, e. Pakiramdam ko bigla na lang niya ako pipigilan makipag hiwalay sakanya dahil lang may nabuo.

Umirap ulit siya sakin.

Bumaba ang tingin ko sa pregnancy test at gano'n na lang ang gulat ko nang makita ko ang results!

Not pregnant.

Shit!

"Oh, my God!"

"Why? What's the result?!" He looks so shocked!

"Negative. Walang baby! Mabuti naman!"

Ang ligalig ko sa kinauupuan ko. Mabuti na lang talaga at wala kaming anak!

Nilingon ko si Matthias na nakatitig sa pregnancy test at walang reaksyon.

Kahit anong subok niyang itago sakin ang pag-irap niya, hindi 'yon nakatakas sa mga mata ko.

"Inaaway mo ba ako?" Tanong ko.

Malinaw na malinaw sakin kung anong deal naming dalawa. Sasama ako sakanya rito kung hindi niya ako aawayin.

"I'm not." He closed his eyes.

Mukhang wala siya sa mood makipag-usap sakin kaya hinayaan ko na lang. Sa huli, nanahimik na lang din ako dahil gusto ko ring magpahinga. Matagal ang magiging byahe namin.

It took 18+hrs for us to arrive in Madrid. We had stop overs hanggang sa makarating kami finally in Spain.

Sukang suka at hilong hilo ako sa byahe! Siguro dahil sa tagal! Ang sama rin ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko hindi na 'ko makakabalik sa Pilipinas dahil ayaw kong bumyahe ulit ng gano'n kalayo.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now