TONO : 42

21.6K 415 103
                                    

CHAPTER 42

KLYMENE

                 NASA AKIN NA ang 27 Billion from Mr. Leonardo Rivera. I messaged his secretary para ipaalam 'yon. Nag-reply ito sakin at sinabing inaasikaso na ang annulment papers namin ni Matthias.

I found a house. Maliit lang dahil mag-isa lang naman ako. Baler ang napili kong location.

Sina Mama, alam kong hindi sila sasama sakin dahil ayaw nilang iwan ang bahay. Ipapagawa ko na lang 'yon at kung gusto ng kapatid ko, isasama ko siya sakin.

I stared at my ring finger. Nakakapanibago dahil hindi ko na suot ang singsing ko. But it felt so free, though. Hindi pa nga lang ako sanay.

I'm on my way to Baler now to check the house. I am alone. Matthias wants to go with me ngunit hindi ako pumayag. I don't want him to know my new address. Kung ihahatid niya man ako, hanggang sakayan lang since I'm going to return my car katulad ng sinabi ko noon.

Matthias gave me the space that I needed the most. Isa lang ang hiling niya, ang sabay kaming kumain. Kahit walang usap, ayos lang.

Nag-bus ako since hindi ko alam ang papunta kung naka-kotse man. I'm next to the window and looking at the view outside.

Nakakapanghina ang desisyon ko, but I am happy that I did it.

I don't need a man to be happy. I can be happy alone.

I caressed my womb. If only I am lucky enough...

I bit my lower lip.

Kahit isang anak lang...

Sabi nila may mga cure daw sa infertility ngayon. Magastos pero hindi na problema sakin ang gastos ngayon. Isa pa, bata pa ako. Kaya ko pang dumaan sa mga proseso.

I finally reached Baler. Sumakay ulit ako para makarating sa mismong location ng bahay ko. Nando'n na ang owner at hinihintay na lang ako.

It took me another 20 minutes to reach my new house. Napangiti ako nang makita ang neighborhood.

Malapit sa dagat ang bahay. Malalakas ang alon dahil medyo umaambon ngayon.

I met the owner. He welcomed me together with his wife.

"It's nice to see you in person. I am Joshua and this is my wife, Rose Trinidad." The both of them smiled at me.

"Klymene Velasco," Kinamayan ko silang dalawa.

They toured me around the house.

Maliit pero spacious. Bagay na bagay sakin ang bahay. Nasabi rin nila na mabait ang neighborhood. Kailangan lang nila lumipat dahil mag-aaral ang anak nila sa ibang bansa at sasama sila. Walang magbabantay sa bahay kaya ayon. Ibebenta nila ito.

May three rooms din. Master's, and two guestrooms. Malinis na rin ang bahay at walang gamit. Malinis ang bakuran at malawak. May car garage rin.

"Kukunin ko na po." Ngiti ko sa dalawa.

"Nako! Thank you so much, Ms. Velasco. Please, take care of our house. Marami kaming memories d'yan," Sabay sulyap ng babae sa bahay.

Memories...

I'll start creating new ones.

I paid them in instant. I bought the house for 4 million.

Walang gamit ang bahay kaya wala akong maupuan pero natanaw kong may duyan sa patio.

Napanis ang ngiti ko nang may maalala.

We used the lay down, too... sa duyan.

Umupo ako ro'n at inabala ang sarili sa paghahanap ng interior designer para ayusin ang bahay ko.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now