TONO : 10

16.5K 234 5
                                    

CHAPTER 10

KLYMENE

           "WHAT DID YOU SAY?! She's not pregnant?!"

Nataranta ang doctor sa sigaw ni Matthias habang tulala naman ako dahil maging ako, hindi rin makapaniwala na hindi ako buntis.

"But maybe we're not sure! Don't worry, Mr. Rivera. We will test her blood again right now. Please, excuse me." Natataranta itong lumabas ng opisina niya.

Iritado akong hinarap ni Matthias.

"What was that? You're not pregnant?" Tanong ni Matthias sakin.

"H-hindi ko alam. Nakita mo naman yung pregnancy test ko, diba? Positive 'yon kaya hindi ko alam kung bakit sinasabi nilang hindi ako buntis ngayon."

Ngayon ko lang napansin na lumuluha na pala ang mga mata ko.

Hindi ko alam kung para saan ang mga luhang 'yon at kung anong dapat kong maramdaman. Dahil ba mukha lang akong tangang kinakausap ang sarili dahil akala ko buntis ako? O baka naman dahil umasa na rin ako? Pero hindi ba't dapat masaya ako dahil walang masasaktan kapag nag-hiwalay na kami ni Matthias? Na walang maaapektuhan? At higit sa lahat, makakapag-aral ako next school year.

Mabilis ang pag-hinga ni Matthias at titig na titig sakin kahit na noong bumalik ang doctor dala ang panibagong result.

"We checked it once again, Mr. and Mrs. Rivera pero gano'n parin ang lumabas. I am sorry, but it was a false pregnancy. You're not carrying a child, Mrs. Rivera."

Muling bumuhos ang panibagong luha ko nang makumpirma nga ito. Hindi nga talaga ako buntis. Umasa lang ako. Pinaasa ko lang si Matthias Rivera. Pinaasa ko lang higit sa lahat ang sarili ko.

"How come did that happen? Her last pregnancy test was positive. Paanong hindi siya buntis ngayon?" Tanong pa ni Matthias.

"I have speculations that it's because expired na ang pregnancy test na ginamit niya kaya nagkaro'n ng false result." Sagot ng doctor.

Kung gano'n. Hindi nga talaga ako buntis.

May mga naging tanong pa si Matthias na sinagot naman ng doctor bago kami umalis na sa hospital. Parehas kaming tahimik hanggang sa nasa harap na kami ng sasakyan niya.

Pakiramdam ko lutang na lutang ako. Hindi ako makapaniwala sa nalaman namin.

"Are you aware about it? That you're not carrying my baby?" Tanong nito na ikinagulat ko.

"A-ano? Hindi ba't sinabi ko na sayo kanina na hindi ko nga alam? Akala ko rin buntis ako. Bakit naman ako mag-sisinungaling sayo---"

"Well, I don't know! Maybe you faked your pregnancy to convince me to marry you!" Bintang niya.

"Hindi ko magagawa 'yon!"

"Oh, no one can tell. I barely know you, so, how would I know?" Humakbang siya palapit sakin habang napaatras ako dahil sa takot.

"H-hindi ko magagawa 'yon. Hindi ko gagamitin ang bata---"

"Shut up. You know what? I don't understand why I am so frustated right now. Isn't this good? We have no child. No reason for us to fake things for the child." My lips parted.

Gano'n din pala ang iniisip niya. Then, hindi na pala dapat ako ma-guilty dahil ayaw niya rin pala sa bata! Parehas lang din pala kami ng iniisip kaya hindi na dapat ako umarte.

"Tama ka. Wala nang rason maliban na lang sa video na 'yon." Umiwas ako ng tingin.

Natahimik kami parehas. Kung kanina hindi ko mahulaan kung ano ba talagang pakiramdam niya, ngayon alam na alam ko na. Masaya siya dahil parehas kaming walang aalalahaning anak ngayon.

The One Night OrderNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ