TONO : 32

16.5K 256 24
                                    

CHAPTER 32

KLYMENE

             "YOU'RE DOING good, Klymene. Ipaparating ko ito sa mga professor mo, so, you will get the grades you deserve." Nakangiting sabi sakin ng adviser ng isang klase na kakatapos ko lang turuan.

"Thank you, Ma'am,"

Pakiramdam ko abot na hanggang langit ang ngiti ko. Pakiramdam ko rin, wala na 'kong mahihiling pa. Parang nasa akin na lahat ng kailangan ko.

"You are really dedicated, 'no? I'm sure your husband will be so proud." She teased.

Nag-init naman ang pisngi ko nang maalala si Matthias. He's busy right now. Hind rin siya nakasama sa Baguio para sa birthday ng pinsan niyang si Ryder.

May pinakamalaking project na ginagawa si Matthias ngayon. Ang sabi niya, kailangan niyang pag-aralan talaga 'yon dahil pangit ang kalalabasan kapag pinilit niya lang ang sarili niyang gawin ang mga bagay nang walang pinag-iisipan.

Sinabi niya pa sakin na isang mali lang, baka bumagsak ang company na pinaghirapan niyang itayo. Pati tuloy ako, kinakabahan sa trabahong 'yon.

Naupo ako sa desk kung saan ang sunod kong klase. It's a new topic today kaya masyadong seryoso ang mga students ko. I'm happy dahil naiintindihan naman nila agad ang tinuturo ko.

Binigyan ko rin sila ng activity na pinaghirapan ko pang gawin kagabi sa powerpoint para may maipagawa sakanilang activity.

Sa kalagitnaan ng pagtuturo ko, nagulat ako nang may nakita akong lalake sa labas. My eyes widened when I saw my husband watching me teaching my students.

I thought he's busy?

Saktong tumunog ang bell, hudyat na lunch time na.

"Okay, class. You may now take your lunch." I said without breaking my eye contact with Matthias.

Excited ang mga students ko nang lumabas silang lahat sa room. Matthias entered my classroom with a smile on his face.

"You look hot while teaching them," He said as he kissed me on my lips.

"A-anong ginagawa mo rito?"

Hindi naman niya ito ginagawa noon. Anong pumasok sa isip niya at pumunta siya rito mismo sa room?

"I hate that damn work. It's exhausting." He wrapped his arms around me, hugging me to be exact. Gustuhin ko mang matuwa sa yakap niya, hindi ko naman magawa dahil baka may biglang dumaan sa room. Nakaangat pa naman ang blinds.

My eyes widened when he started to kiss me on my lips. I pushed him away. "Matthias, this isn't the right place to do that." Pinandilatan ko siya ng mata.

Humalakhak siya at muling dinampian ng halik ang labi ko.

Unti unti kong naramdaman ang palad niya sa t'yan ko. Hindi ko alam pero bigla akong kinilabutan sa ginawa niyang 'yon.

"I think... there's someone in here," He whispered on my ear.

"Don't manifest it. Nag-aaral pa 'ko, Matthias." I pushed him away a little. Niligpit ko ang mga gamit ko habang nanatili naman siyang nakatingin sakin, pinapanood ako.

Hinawakan ko ang kamay niya at iginaya niya papunta sa office ko. Para naman siyang bata habang hila hila ko.

"Ford's not here?" Tanong niya.

"Nope. Dumadaan lang minsan, but that's all."

I opened my office for him and turned on the aircon.

"Klymene,"

The One Night OrderWhere stories live. Discover now