TONO : 6

16.8K 249 14
                                    

CHAPTER 6

KLYMENE

                   TULALA AKO habang kaharap si Papa isang linggo pagkatapos noong nangyari samin ni Matthias Rivera.

"Maayos naman ako rito, anak,"

Pinilit ko ang sariling ngumiti kay Papa. Dinalhan ko siya ng maraming pagkain katulad ng madalas kong ginagawa. Halos araw araw na akong nandito dahil gusto kong laging nakakaharap si Papa.

Hindi pa kami nagkikita ulit ng pinagkakautangan ni Papa. Hindi ko alam kung saan ko ito hahagilapin kaya naisip kong pumasok sa bar.

Hindi ko na kailangan magtrabaho ro'n dahil nandito ang perang inipon ko para sa utang ni Papa. Gagamitin ko 'yon para magsimula ng negosyo at para makapag intern na. Sayang naman dahil malapit na 'kong magtapos kung makakapasa ako sa internship.

Ginagabihan, pumasok ako sa bar pero hindi para sumayaw. Bumalik ako sa pagwe-waitress doon dahil wala na akong planong sumayaw.

Mabuti nga't hindi ako namumukhaan ng mga tao ro'n. Paano ba naman kasi nila ako mamumukhaan, e, naka-maskara ako.

Sa ginagawa kong 'to, nakakalimutan ko kahit papaano ang nangyari sa cruise.

Kahit kasi ilang lingo na ang lumipas, hindi parin ako makapaniwalang nangyari talaga 'yon. Na nawala sakin ang bagay na meron ako na pinaka-iingatan ko sa loob ng 23 years.

Nakipag-sex ako sa lalakeng hindi ko naman kilala. Hindi 'yon parte ng order o ano. Kami ang kusang gumawa no'n na hindi ko maintindihan kung papaano, e, nasa huwisyo pa naman ako kahit malasing.

Pero siguro nga. Kahit anong gawin ko, hindi ko na mababago ang nangyari. Hindi ko na mababawi ang nawala sakin at hindi ko na mapapalitan kung ano mang ginawa namin ni Matthias Rivera.

Siguro mas makakalimot pa 'ko kapag nagsimula na 'ko sa internship. Gusto ko nang pumasok next school year. Hindi na kasi ata pwede kung hahabol ako ngayon.

Katulad ng pakay ko, nandito nga ang limousine!

Parati kaya itong nandito para hintayin ang out ko?

Kinuha ko agad ang bag ko para lapitan 'yon.

Katulad noong mga nauna, pumasok ulit ako sa limousine ngunit hindi nag-iisa ang pinagkakautangan ni Papa dahil may dala itong babaeng may hawak na tablet.

"Good to see you, Miss Velasco. I heard you did a great job."

Huh? Totoo ngang may nanonood ng bawat galaw ko sa loob ng cruise? Mabuti naman at nakita ng taong 'yon ang paghahalikan namin ni Matthias.

"Hindi niyo na po ba papatayin ang Papa ko?" Tanong ko rito.

Humalakhak naman ito kaya bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung paano bumigat ang pakiramdam ko. Ayoko lang naririnig ang halakhak niya.

"Miss Rayne, please show her the video."

Video?

Inabot naman sakin ng babae ang tablet na hawak niya.

Nalaglag ang panga ko nang makita ang sarili sa video kasama si Matthias Rivera na... na... nagse-sex!

PUTANGINA!

"T-tangina..." Napamura ako habang pinapanood 'yon.

Halos lunukin ni Matthias Rivera ang labi ko habang walang tigil na gumagalaw sa ibabaw ko. Hindi ko alam na meron pa palang ganitong nangyari! Hindi ko maalala.

"Just to be clear, hija. Hindi ko pinanood ang video niyo ni Matthias that's why I brought my secretary with me."

Nabitawan ko ang tablet at nanghihinang napatingin sa matanda.

The One Night OrderOù les histoires vivent. Découvrez maintenant