TONO : 33

15.8K 281 34
                                    

CHAPTER 33

KLYMENE

                     "MRS. VELASCO is fine, Mrs. Rivera. Sadyang nag-panic lang ang father at kapatid ninyo." Paliwanag sakin ng doctor dito sa hospital ng pamilya ni Matthias.

Bumuntong hininga ako at tinignan ang kapatid ko. Muntik pa 'kong makabunggo kanina sa sobrang pagmamadali.

"Nothing serious, Mrs. Rivera. Cold and hot compress lang,"

Tumango ako at nagpasalamat sa doctor. Umalis na rin ito kinalaunan.

"Ma, ano bang nangyari?" I asked.

"Nadulas lang naman. Itong Papa at kapatid mo, tinakbo agad ako ng hospital. OA," Umirap pa ito kay Papa at Avril. "Nadamay ka pa tuloy,"

Tipid lang akong ngumiti rito. "Okay lang naman po."

"Nasan ba ang asawa mo, Klymene?" Tanong ni Papa sakin.

"Out of town, Pa. Uuwi na po 'yon sa weekends,"

"I'm sorry, Ate. Tinawagan agad kita kasi hindi ko na alam ang gagawin ko," My sister Avril looks so sad right now. Ginulo ko ang buhok niya para iparating sakanya na okay lang naman."

"Ayos lang, Avril. Mabuti nga 'yon. Tawagan mo agad ako kapag may emergency," I smiled genuinely to my sister.

Pwede naman nang umuwi si Mama pero sinabi kong bukas na lang ay palipasin na ang isang araw bago umuwi.

Gustohin ko mang mag-stay, hindi na ata kaya ng energy ko dahil pagod na pagod na ang katawang lupa ko. Kahit gusto kong samahan sila, hindi ko na nagawa. Sa huli, umuwi ako at sinama ko si Avril.

Isa lang ang sofa sa kwarto ni Mama at walang tutulugan si Papa kapag nagkataon. Sinama ko na lang pauwi si Avril sa penthouse.

"Ganda ng bahay mo, Ate," She said nang makapasok kami.

"Kay Matthias 'to,"

Nilapag ko agad ang bag sa island counter at naglabas ng instant noodles para ipakain sa kapatid ko. Hinayaan ko siyang lumibot sa penthouse.

"Mag-asawa kayo kaya sayo rin itong bahay niya." Sagot pa niya.

Hindi ko na lang dinugtungan pa ang sinabi niyang 'yon. Nagluto ako ng noodles para samin. I told her to eat already dahil magpapalit ako ng damit.

Matthias told me to call him pagkauwi ko. Kahit anong oras daw basta tumawag ako. Kaya naman tinawagan ko siya habang nagbibihis ako.

Nagulat pa ako nang sumagot siya agad. Saktong kakasuot ko lang ng sando ko.

His raised his brow, asking me.

"Nagbihis ako," I said.

["How's your mom?"] Pansin kong nasa isang office siya.

Naistorbo ko kaya siya? Nasa gitna siguro siya ng work pero tinawagan ko parin.

"Okay lang si Mama. Bukas iuuwi na siya." Umupo ako sa kama dala dala ang phone. "Uhm, nandito rin ang kapatid ko sa bahay. Sinama ko siya kasi wala siyang kasama sa bahay dahil babantayan ni Papa si Mama,"

He nodded. ["Alright. Para may kasama ka. I know you miss me already,"] He smirked.

Umirap ako kahit na sumisilip ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'to.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Biglang tanong ko sa asawa. Hindi ko alam kung bakit pero kasi... pakiramdam ko, ang lungkot kapag ako lang mag-isa rito.

["I'm sorry. Alam kong hindi ka nakakapagpahinga agad galing school. Don't worry, you don't have to go there---"]

The One Night OrderWhere stories live. Discover now