TONO : 4

16.5K 235 5
                                    

CHAPTER 4

KLYMENE

                                  "NAGKITA KAYO? Anong sabi? Ipapapatay niya na raw ba ako?" Balisang tanong ni Papa. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Pa, hindi. May in-offer lang sakin ang matandang 'yon para raw kalimutan niya na ang utang mo,"

Namilog ang mga mata nito. Nagkaro'n ng pag-asa sa mga 'yon kaya pakiramdam ko... hindi ko na kayang atrasan ito. Ilang araw na lang at deadline na. Pansin ko ring mainit ang tingin ng mga tao rito sa kulungan kay Papa.

"Talaga? Ano raw?"

Umawang ang labi ko para sumagot pero parang napipe na ata ako. Hindi ko kayang sabihin sakanya na kailangan kong makipag-make out sa kung sino para lang bayaran ang utang niya.

Make out lang naman. Walang ibang pupuntahan at kapal ng mukha lang ang kailangan ko. Pagkatapos no'n, tapos na.

"Klymene, maayos naman siguro 'yang trabaho, ano?" Matigas na sabi ni Papa.

"Maayos naman, Pa. Harmless," Mahina akong tumawa para pakalmahin siya.

Kumunot ang noo niya pero unti unting naging panatag. Dinalaw ko si Papa rito sa presinto para bigyan siya ng pagkain na masarap. Dumalaw sina Mama at Avril dito kanina pero hindi ako sumama. Gusto kong masolo si Papa.

Nag-tagal pa ako ng ilang oras pa ro'n. Nang mag-hapon, umuwi na rin ako dahil kailangan kong mag-handa para mamaya.

Isa lang naman ang paalala sakin kanina. Kailangan ko raw maging kaakit akit para naman pumayag sakin na makipag-make out ang target ko. 'Yon lang naman... hindi mahirap pero ang bigat ng dibdib ko.

Bakit kailangan pa nilang gawin 'to sa lalakeng pupuntahan ko mamaya? Pakiramdam ko talaaga bading ito at gustong magpaka-lalake na.

Royal blue spaghetti strap fitted dress ang sinuot ko. Naglagay din ako ng makeup para mas umangat ang ganda ko.

Tinignan ko ang envelope. Dinampot ko 'yon at nilabas ang laman. Picture ng lalake at ang address ng isang bar. Nandito na rin ang oras.

"Pasensya ka na... pero mukhang matutulungan din naman kita dahil bakla ka, hindi ba? 'Yon nga lang sana hindi mo magustuhan ang halik ko dahil hindi ako interesado sayo." Sambit ko sa picture.

Tangina. Ang gwapo niyang bakla.

Nilagay ko 'yon lahat sa bag ko. Handa na 'ko.

Maingat akong lumabas ng kwarto ko dahil ayaw kong makita ako ni Mama o ni Avril. Magtatanong lang ang mga 'yon. Ayaw kong sabihin sakanila dahil baka kung ano na lang ang isipiin nila.

"Oh, saan ka pupunta?"

Napatalon ako sa gulat nang may nagsalita mula sa kusina. Lumabas mula sa kusina si Mama na may dalang tubig.

"Bakit ganyan ang ayos mo?"

"May pupuntahan lang po," Ginawa ko lahat para hindi mautal dahil tiyak na mahahalata lang niya.

"Saan naman? Nako, date ba Klymene? Umayos ayos ka, ha. Huwag ka munang mag-aasawa! Nako, bata ka. Naiinis na 'ko agad. Mayaman ba ang ka-date mo?"

"Hindi po date ang pupuntahan ko."

"Oh, e, saan--"

"Trabaho po. Male-late na 'ko, Ma. Una na po ako,"

Nagmamadali akong lumabas dahil ayaw ko nang makipag usap pa kay Mama dahil tiyak na pipilitin niya lang ako magsabi kung sino talaga ang pupuntahan ko.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now