TONO : 25

17.8K 291 43
                                    

CHAPTER 25

KLYMENE

                   "PAPALAGPASIN KO ang paglilihim mo sakin ngayon, Klymene pero hindi na pwede sa susunod, ha? Kaibigan mo 'ko! Kailangan ko ng update sa buhay mo!"

Nanulis ang nguso ko dahil sunod sunod ang pagrereklamo ni Paye sakin. Ngayon na lang ulit kami nagkita dahil formal na 'kong magre-resign sa club since malapit na ang school year.

"I'm sorry na ulit..." Naglalambing akong dumikit sakanya.

Naikwento ko na lahat sakanya. Sinabi ko lahat ng mga dapat niyang malaman. Galit pa siya noong una peri natanggap din naman agad ako.

"Kainis talaga! Pag nabuntis ka na, sabihan mo 'ko agad, ha?" Sumisilip ang ngisi sa mukha niya.

Hilaw lang akong ngumiti.

Wala siyang alam sa totoong dahilan ng kasal na meron kami ni Matthias. Pakiramdam ko... kaming lima lang ang nakakaalam. Si Matthias, ako, si Leah, si Leonardo Rivera, at ang secretary nito.

"Mag-aaral pa 'ko..."

"Oo naman. Unahin mo muna ang pag-aaral, Kly,"

Ilang oras pa akong nag-stay do'n. Matagal na noong nangyari yung family gathering. Pakiramdam ko nilipad lang ako sandali tapos nandito na agad.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Kly!"

Nilingon ko ang pamilyar na boses na 'yon. Natanaw ko si Dave! Yung kaklase ko noong senior high school.

Nakangisi siyang lumapit samin.

"Dave," Ngumisi rin ako.

"Kamusta? I'm sorry about what happened last time, ha? Sabi mo kasi wala kang boyfriend," Napakamot pa ito sa batok dahil sa hiya.

Hindi ko mapigilang matawa sa itsura niya. "Wala naman talaga. Asawa ang meron," Humalakhak ako.

"I'm sorry din sa asawa mo. Please, tell him I'm sorry."

Ngumiti ako sakanya. Naiintindihan ko naman na gusto niyang mag-sorry kay Matthias dahil asawa ko ito pero tingin ko naman, wala lang kay Matthias ang nangyari noong gabing 'yon.

"Oo naman... 'wag kang mag-alala at ipaparating ko," I tried to smile more.

"Mukhang selos na selos yung asawa mo last time. Nakokonsensya talaga ako. I hope that didn't lead the both of you into a chaos,"

Pakiramdam ko lumipad ang isip ko sa kung saan dahil naalala ko rin ang nangyari noong gabing 'yon.

"Hindi naman..."

Hindi ko nga alam kung nasaan 'yon. Kanina pa dapat siya nakauwi galing work pero wala naman siya. Baka umalis sila ng girlfriend niya. Hindi ko na rin siya hinintay na samahan ako rito sa club. Ginamit ko na lang yung kotse na binigay niya sakin dahil marunong naman na akong mag-drive no'n.

"Nasan pala ang asawa mo, Klymene? Himala at hindi nakaaligid sayo." Bumaling ang tingin ko kay Paye.

"Nasa trabaho pa,"

Nagkibit balikat ito. Para akong nakahinga nang hindi na siya mag-usisa pa tungkol kay Matthias.

Naki-table samin si Dave saglit bago bumalik sa mga kaibigan niya. Nag-tagal pa ako ng ilang oras bago nagpaalam na uuwi na since baka nakauwi na si Matthias at kailangan ko pag magluto.

"Dumalaw ka naman dito!" Pagmamaktol ni Paye.

"Oo naman. Madalas parin ako rito," Ngumisi ako sa kanya.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now