TONO : 16

16K 263 15
                                    

CHAPTER 16

KLYMENE

                     HINDI NORMAL ang pagsasama namin ni Matthias sa sumunod pang mga buwan pero hindi ko na binigyan pa ng pansin dahil bukod sa hindi ako interesado sa mga ginagawa niya sa buhay, wala rin kong pakialam sakanya.

Nasabi kong hindi normal dahil may kahati ako sa magaling kong asawa. Hindi nila nilihim sakin. Naapakan ang pride ko pero naisip kong hindi naman kasi totohanan ang kasal na 'to kaya hinayaan ko na lang sila ng girlfriend niya.

Kahit may mga gabing inuuwi niya rito ang babaae. Do'n sila sa kwarto niya ngunit hinahatid niya rin ito sa madaling araw at minsan ay sa umaga na. Alam ko dahil may CCTV dito. Hindi naman nila tinatago sakin ang pag punta ng babae pero may mga panahon lang talaga na kailangan kong pumasok sa trabaho.

Hindi kami close ng pamilya ni Matthias. Pero kahit gano'n, hindi naman nila ako pinakitaan ng pangit kapag minsang pumupunta kami sa subdivision nila para bumisita. Kahit hindi ako comfortable doon, nararamdaman ko ang payapang pakiramdam sa t'wing nakikita ko ang mga bata.

Lalo na ang anak nina Ate Phamela and Kuya Spiro. Iyong kambal nilang anak na laging hawak ang buhok ng isa't isa na para bang sinasabunutan nila ang mga sarili nila. Mga infant pa ang mga 'yon pero malago na ang buhok.

Nilingon ko ang kwarto na opisina ni Matthias. Nando'n siya mula pa kaninang umaga dahil marami siyang trabaho. Matagal nang dumating yung sasakyan na para sakin pero dalawang beses niya pa lang ako naturuan mag drive dahil sobrang busy siya. Ayaw naman niya akong ipaubaya sa iba.

Kung mamaya babyahe pa 'ko papunta sa club, male-late na ako dahil kailangan ko pang magbihis doon dahil nitong huling linggo, doon na 'ko nagbibibihis.

Kaya naman para hindi ma-late, dito na lang din ako nagbihis.

Yung crop top an red shirt parin at mini skirt ang uniform namin. Sa kwarto na rin ako naglagay ng makeup. Dinampot ko ang bag nang matapos na dahil pupuntahan ko na si Matthias para sabihin ang pag-alis ko. Hindi ko naman ine-expect na ihahatid niya ako dahil masyado siyang busy.

Kumatok ako sa opisina niya.

"Come in,"

Nang buksan ko ang pinto ng opisina niya ay naabutan ko siyang sinasara ang laptop niya. Mukha siyang pagod na hindi mo maintindihan.

Kanina pa siya dumating galing trabaho pero pag uwi naman niya dito parin siya dumiretsyo para siguro ituloy ang trabaho niya. Bakit kaya hindi na lang siya nag overtime?

"Papasok na 'ko. Dito ka na lang ba? Huwag ka na muna sumama. Mukhang pagod ka na sa trabaho," Lagi parin kasi siyang sumasama sakin sa club.

"No. I'll go with you,"

Matigas talaga ang ulo ng lalakeng 'to. Sinabi ko naman sakanyang kaya ko, e.

"Huwag ka nang sumama, Matthias. Hindi ka pa nagpapahinga mula kanina,"

Bumaling ang tingin niya sakin. Hindi ko alam kung anong problema niya pero bigla siyang ngumisi sakin na para bang may something sa sinabi ko.

"'Wag mo namang ipahalatang nag-aalala ka sakin. I might think you like me,"

Nalaglag ang panga ko dahil sa kakapalan ng mukha niya. Saan niya naman nakuha ang kakapalan ng mukha niyang 'yan?

"Anong like ka r'yan? Hindi kita gusto, ano. At isa pa, huwag mo nga akong nilalandi. May girlfriend ka, hindi ba?" Ngumisi ako sakanya.

Umirap siya bago dinampot ang susi ng kotse niya.

"I'm having a vacation with her at the end of the month. Any violent reactions?"

The One Night OrderWhere stories live. Discover now