TONO : 8

16.4K 248 21
                                    

CHAPTER 8

KLYMENE

                    "S-SIGURADO KA bang gusto mong kausapin ang pamilya ko? A-ayaw kasi nilang maaga akong mag-asawa kaya baka magalit sila satin. A-ayokong pag-isipan mo ng hindi maganda ang pamilya ko." Awat ko kay Matthias Rivera.

Ilang kalye na lang at nasa bahay na kami. Gusto niyang puntahan ang pamilya ko para pormal na hingin umano ang kamay ko para sa kasal. Hindi ko alam na naisip niya pa 'yon.

Napapayag ko siyang magpakasal sakin. Paano ba naman kasi, malaking kahihiyan sa pamilya nila kung sakaling lumabas ang sex video namin. Huwag siyang mag-alala, ilang taon lang naman. Pwedeng pwede kaming mag-hiwalay.

"Why? Do you expect me to think that they're angels while you're the only evil among them? Of course, Miss Velasco, kung anong puno, 'yon din ang bunga. Sigurado akong pare-parehas lang kayo."

Mariin kong niyukom ang kamao ko sa sinabi niya. Gustong gusto ko na siyang suntukin ngayon pa lang!

Okay. Kumalma ka, Klymene. Ilang taon lang naman ang titiisin mo. Hindi na big deal sakin kung hindi man magkaro'n ng buong pamilya ang anak ko.

Tahimik akong sumunod kay Matthias. Malayo pa lang, tanaw ko na ang mga tsismosa naming kapitbahay. Marahil nagulat sila dahil may dala akong lalake.

Umirap ako sa kawalan.

"Dito mo ba patitirahin ang anak ko pagkalipas ng ilang taon pagkatapos nating maghiwalay?" Biglang tumigil si Matthias Rivera sa paglalakad.

"Wala namang masama. Dito na rin ako lumaki---"

"Hindi ko ibibigay sayo ang bata kung dito mo pipiliing patirahin siya. You must look for some good house and environment. Hindi titira ang anak ko sa ganitong lugar."

Humugot ako ng malalim na hininga. So, sa buong pagsasama namin, puro lait ang maririnig ko sakanya?!

"Dito ang bahay namin,"

Tumigil kami sa tapat ng bahay. Hindi ko alam kung paano uumpisahan ito. Gusto na kasi ni Matthias Rivera na mapabilis ang kasal namin para mas mapabilis daw ang hiwalayan namin.

Nag-taas lang ito ng kilay sakin.

Bumuntong hininga ako muli bago binuksan ang pinto ng bahay. Mabuti na lang at masipag si Mama maglinis ng bahay.

"And you also told me that you're rich, huh."

Huh?

Oh! Yung sa cruise. Sinabi kong may pa-vacation ang daddy kuno ko. Nakakahiya. Hindi ko na lang sana sinabi 'yon.

"Maupo ka muna. Tatawagin ko lang sila Mama,"

He tsked. Hindi ko pinansin ang pag-iinarte nito dahil wala naman siyang magagawa. Nakiki-upo na nga lang siya.

Pumunta ako sa kwarto nina Mama at Papa. Kumatok ako ro'n para palabasin sila.

"Ma, Pa, may bisita po ako."

Narinig kong may naglakad mula sa loob ng kwarto. Nang bumukas ang pinto, bumungad sakin si Mama.

"Sino naman? Gabing gabi na, Klymene, ano ba 'yan!" Iritadong sita ni Mama. "O'sya, lalabas na kami. Perwisyo naman, oh!"

Hilaw akong napangiti. Binalikan ko si Matthias Rivera na busy ngayon sa katawagan niya sa kanyang phone.

"Yup. I want it now, Kuya. Dadaan kami mamaya after this. No. No ceremony. Baka sa susunod na. Papers for now,"

Tumikhim ako para maagaw ang atensyon niya. Nag-taas siya ng kilay sakin.

"I'll call you back." Pinatay niya ang phone. "Where are they?"

The One Night OrderWhere stories live. Discover now