TONO : 19

16.2K 297 10
                                    

CHAPTER 19

KLYMENE

                      "YOU GET IT? Step on the break a meter away from the car in front of you,"

Ramdam ko ang tensyon sa dibdib ko dahil medyo kinakabahan ako lalo na't ito ang unang beses na ibang mga tao na ang nagmamaneho ng mga sasakyang nasa paligid ko.

Noong tinuturuan kasi ako ni Matthias, nirentahan niya ang isang buong field at humiram ng mga sasakyan sa pinsan niyang si Kuya Ryder para 'yon ang mag-silbing mga strangers kumbaga.

Ngayon lang kami lumabas ni Matthias sa public area talaga at ako pa ang nagmamaneho papunta sa trabaho ko.

"Too close, Klymene," Sambit nito.

Hindi ko alam kung anong trip niya at bakit ngayon niya pa naisipang turuan ako. Kaya pala yaya siya nang yaya saking maaga pumasok dahil dito.

"E, kasi siya! Bigla na lang siyang nag-break," Sumbong ko habang nginunguso ang sasakyan sa harapan.

"You should see it coming. Dapat na-predict mo 'yon,"

Gulat ko siyang nilingon.

"Seryoso ka ba r'yan? Mukha ba akong manghuhula?" Sumama ang tingin niya sakin kaya binalik ko na ang tingin sa daanan.

Marunong naman na 'ko, e. Nakaka-pressure lang itong si Matthias sa tabi ko at medyo kinakabahan parin.

Akala ko aabutin na kami ng siyam siyam para makarating sa club pero hindi naman. Hindi rin ako na-late dahil tama ang pagta-tasya ni Matthias sa oras.

Sabay kaming lumabas ng sasakyan ko. Dala dala ko ang bag at ready na pumasok kung hindi lang ako hinawakan ni Matthias.

"Bakit?" Anong trip niya? Bakit bigla na lang siyang nanghihila r'yan?

"I don't know if I should say this, but..."

Nag-taas ako ng kilay sakanya dahil hindi siya makaimik. Hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa isip ng lalaking 'to. May gusto ba siyang sabihin o gusto niya lang ubusin ang oras ko?

Ngumisi ako. "Ano? Nagbago na ba isip mo? Gusto mong magka-anak sakin? Sorry pero hindi talaga kita gustong maging--"

"Oh, you wish." Umismid siya at inirapan ako.

"E, ano nga? May sasabihin ka ba o ano?"

"Well, your lipstick doesn't suit your face,"

Umawang ang labi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam pero sobrang na-offend ako ro'n, ha! Anong gusto niyang ipahiwatig kung gano'n?!

"Sinasabi mo bang ang pangit ko sa lipstick na 'to?" Hindi ko na naitago ang inis sakanya at sa sinabi niya.

"Tss. That's not what I meant, alright? What I mean is... dark shades of lipsticks doesn't suit your face cuz your face looks too innocent. It would be better if you'll wear something light,"

Kusang dumapo ang kamay ko sa labi ko. Wala sa sariling hinaplos ko 'yon. Sumunod naman ang tingin niya sa labi ko. Hindi nakaiwas sa mga mata ko ang pag-alon ng lalamunan niya.

"Hindi ko alam na hindi pala bagay sakin 'tong lipstick. Siguro... dadaan ako sa mall kapag hindi busy para bumili ng lighter shade,"

Umismid siya. "Yeah. Better buy a new one."

Tumango lang ako. Hinintay ko siyang maglakad na papasok pero nanatili lang ang tingin niya sakin. Sa isang iglap ay nagbago ang emosyon niya. Nagmistula itong inis o ano.

"You know what?" Napakurap ako. He sighed. "I hate how innocent your face is. Para bang hindi gagawa ng hindi maganda. But the truth is you're a two faced witch,"

The One Night OrderWhere stories live. Discover now