TONO : 22

16.2K 307 30
                                    

CHAPTER 22

KLYMENE

                 PADABOG KONG sinara ang pinto ng kotse niya pagdating sa venue. Napatingin samin ang ibang mga pinsan niya nang marinig nila ang ginawa ko pero hindi ako kumibo dahil masyadong mainit ang ulo ko para isipin ang sasabihin nila.

Narinig kong lumabas na rin si Matthias at gigil na nilapitan ako.

"What the hell are you thinking? We're happily married in their eyes!" Gigil niyang bulong sakin.

Matalim ko lang siyang tinignan o matalim ba talaga 'yon dahil kanina ko pa pinipigilan ang mga luha ko. Umiwas ako ng tingin sa huli para pigilan muli ang mga luha na unti unting umaangat.

"And didn't I told you to put some of those in your purse?" Sabi niya ulit.

Inis ko siyang tinignan. "Kung gagamit ka naman pala n'yan dito sa event na 'to, ikaw na ang magdala, ibulsa mo. Ikaw ang may kailangan at gagamit niyan at hindi ako kaya bakit ako ang magdadala, ha?" Sagot ko pabalik.

Naningkit ang mga mata niya sakin, iritado na. Ako rin! Kanina pa!

"You sure you won't be needing those? Stop being funny, Klymene. We both know what kind of woman you are. I'm hundred percent sure you'll mess around. So, put some in your purse. It will benefit us both."

Inis ko siyang tinulak. Hindi kalakasan dahil ayaw kong makaagaw kami ng pansin.

"Oh, what? Am I wrong? What? What if you got pregnant in there by a random stranger? Ipapanagot mo sakin ang anak mo? That's so unacceptable--"

"Tangina. Kailan ko pa ginawa 'yang sinasabi mo, ha? Para pagsalitaan mo 'ko ng ganyan?" Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko dahil ang sikip na ng dibdib ko sa mga sinasabi niya. Ni hindi na ako makahinga nang maayos. "Kung gusto mong makipag-sex sa mga babae r'yan sa loob, edi gawin mo! Ikaw ang magdala ng condom hindi yung lalapit ka sakin mamaya para manghingi ng condom, nakakadiri ka."

His eyes widened. He caught my arm and gripped it.

"What did you say?" He started to breathe fast. He looks ready to hit me.

"Nasa loob ang buong pamilya mo tapos inaasahan mong d'yan pa 'ko magkakalat? Hindi ako kasing baba mo--- ouch!"

Sumubsob ako kay Matthias nang may bumunggo sa likod ko.

"What the hell?" Matthias reacted as he looked at my back. Checking who bumped against me.

Nilingon ko rin 'yon. Nagulat ako nang may makita akong batang babae.

She's touching her forehead, nauntog ata ang noo niya sakin. Well, paano ba maglakad ang batang 'to at bakit kasi nandito siya?

She looked up to see me. My heart felt so warm when I met her pure brown eyes. Namumula ang matulis niyang nguso ngayon.

I squatted to level her.

"Hey... okay ka lang?" Tanong ko sa bata, nakalimutan na ang pagtatalo namin ni Matthias.

I gently held her arms as I fixed her hair.

"I'm sorry po... nabunggo po kita," She said.

Napangiti ako sa sinabi niya. She's wearing a gold dress. She must be one of the nieces of Matthias, then.

"I'm sorry, nakaharang ako," I said, taking the blame to make her feel okay.

She smiled at me. Napangiti rin ako. "What's your name?"

"Hmm... Heather,"

"Where's your Dad, Heather?" Matthias asked behind me. Heather's eyes widened when she saw him.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now