TONO : 17

15.7K 244 24
                                    

CHAPTER 17

KLYMENE

                     HALOS HINDI KO malusutan ang ginawang sakit ng ulo ni Matthias kanina. I mean, yung pag-alis niya sa bahay nang hindi man lang nagpapaalam kina Mama. Ang sabi ko na lang biglang nagkaro'n ng emergency sa family niya.

Doon ako nagpalipas ng oras sa bahay at doon na rin ako naligo. Mabuti na lang at may mga damit pa ako rito.

Hindi na ako nakatanggap ng text galing kay Matthias. Okay lang. Hindi ko naman hinintay.

Nasa department store ako para mamili ng mini skirt since kailangan ko sa trabaho. May sarili akong pera dahil sa sahod ko.

"Tita Kly?!"

Napatalon ako sa gulat nang may humawak sa braso ko. Malamig ang maliit na kamay na 'yon. Nang tignan ko kung sino 'yon, nagulat ako nang makita si Skyros!

"Sky!" Gulat kong sabi.

Medyo madungis ang mukha niya dahil may kinakain na ice cream. Gusto kong matawa dahil ang cute niya. Gusto ko ring pisilin ang pisngi niya pero hindi ko ginawa dahil malaki na siya. He's 11 year old.

"Sinong kasama mo? Ikaw lang ba?" Hinawi ko ang buhok niya.

"No po. I'm with Mama and Papa. Nasa infant clothes area sila para kina kambal," Pagtukoy niya kina Serine and Feyre. "Are you alone here, Tita? Where's Tito Matthias?"

"Uhm..." Napakamot ako. Paano ko ba saasgutin ang batang 'to.

"Work?" Panghuhula niya.

"Yup! Work," Tumango ako at ngumiti sakanya. Ngumisi siya sakin. "Akin na nga 'yang tissue,"

Inabot niya sakin ang tissue kaya naman pinunasan ko ang madungis niyang labi. Napangiti ako sa hindi ko malamang dahilan. Ganito pala ang pakiramdam kapag may inaalagaang anak.

Hindi naman ako naghahangad ng anak lalo na sa relasyong meron kami ni Matthias ngayon. Pero ngayong hawak ko si Skyros at pinupunasan ang ice cream sa mukha niya, bigla kong naisip ang alok ni Matthias na anak.

Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko, oo. Pero pakiramdam ko nasa point na ako ng buhay ko na may gustong inaalagaan katulad ng ginagawa ko kay Skyros.

Gustong alagaan yung akin talaga. Pero sa t'wing naiisip kong baka hindi maging maganda ang kalalabasan ng future niya dahil maghihiwalay din kami ni Matthias, parang hindi ko na aasaming magka-anak pa sakanyaa. At alam kong gano'n din siya sakin.

"Dahan dahan sa pagkain, Sky," Ngiti ko rito. Ngumiti rin siya bsgo nilantakan ang ice cream.

"Kly?"

Lumingon ako sa likod para makita sina Ate Phamela kasama ang asawa niyang si Kuya Spiro. Buhat nito ang isang kambal na tingin ko ay si Serine dahil lagi naman niyang buhat si Serine kumpara kay Feyre.

"Ate Pham, Kuya Spiro," Ngiti ko sakanila. "Namimili rin kayo?"

Ngumiti si Ate Phamela. "Oo, e. Medyo lumalaki na kasi ang kambal at may pinapabiling libro si Skyros. Ikaw?"

Tinaaas ko ang paper bag na dala ko. "Bumili rin,"

"Are you with Matthias?" Singit ni Kuya Spiro.

"Ah... may trabaho siya."

Alanganin akong ngumiti sakanila para hindi nila mahalata na nagsisinungaling ako.

"Well, kakain na rin kami ng meryenda d'yan sa malapit na restaurant ni Tita Zia. Sumama ka na samin." Sambit ni Ate Phamela habang inaayos ang pacifier kay Feyre na nakahiga sa stroller.

The One Night OrderWhere stories live. Discover now