CHAPTER TWO

178 7 0
                                    

CHAPTER TWO

WARNING: ABUSE OR VIOLENCE.

"Par, tagal mong nawala," Tanong naman ni E-jay sa akin na paparating pa lang sa tambayan na 'min.

"Par, kalma ka lang, mas'yado mo 'ata akong na-miss," Pagbibiro 'ko.

"Putangaina mo, Felix! Hindi tayo talo. Strict parents ko kasi par,"

Ang gago, nakuha niya pang magbiro. Strict daw ang parents niya pero halos palayasin siya sa kanila dahil sa  kagaguhan na ginagawa niya.

"Strict nga," Ngising kong sagot. "Kaya ka pinapalayas sa bahay niyo, eh."

Napakamot na lang ito ng ulo dahil sa sinabi 'ko. Ang nabarado ay siyang talo. Hindi niya kasi alam ang kinakalaban nitong tropa ko.

Ilang oras lang ang nakalipas, nagsidatingan na mga iba ko pang tropa na kagagaling sa suntukan.
Gago talaga. Ang isa, may pasa sa labi, ang isang may black-eye sa kanan na mata at ang isa ay may nakatapal na panyo dahil dumudugo ang sugat nito. Kabobohan talaga. Makikipag-away na lang nang-iiwan pang bakas na gulo.

"Olats mga Bro!" Reklamo naman ni Eric. Si Eric siya ang may pasa sa labi. "Gago, dami nila. Wala kaming laban."

Napailing-iling na lang ako sa kwento nila. "Alaws tayo sa kanila sobrang dami nila tapos may dala pang dahas ang mga bakla."

Napapikit na lang ako. Actually, gustong-gusto matawa dahil kagaguhan nila.

"Ang bobo niyo kasi! Ang tatanda niyo na nakikipagaway pa kayo. Dapat tinawag niyo ako para may back-up kayo, tanga!"

Napayuko ang mga tukmol. Wala silang masabi. Halos magkakasing edad lang kami nandito.

"Nasa'n sina Angela?" Tanong 'ko. Takang-taka ako kung bakit late ata siya nagtambay ngayon, ah.

Nagsitinginan ang mga bulbul sa isa't isa. Mukhang hindi rin nila alam kung saan ang mga iba pang babae. Madalas, masarap kompleto kayo magkakaibigan kahit sa dami ng mga problema niyo, nakukuha niyo pa rin tumawa at mag-bonding. Kaya madalas nagtatambay kami dito sa Court ng Santa Trinidad dahil nandito ang hinahanap namin kasiyahan.

Pero pag-uwi mo sa inyo... magsisimula na ang delobyo ng utak mo.

"Pahingi nang yosi, Par," Paghingi ko sa tabi ko.

"Bili ka! H'wag kang mautak," anas naman ni Mycco. Si Mycco ang may Black-eye sa kanan ng mata.

Deserve mo gago!

"Fifty-fifty tayo," Sagot ko. Aambahan ko na sana ng suntok nang bigla niyang hinagis sa akin ang isang kaha ng sigarilyo. "Dami pang sinabi, magbibigay din naman pala."

"Bagay sayo 'yang black-eye mo, nagmukha kang tao d'yan." Pagbibiro ko. Ang mga gago kong kasama nagsitawanan naman. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa nga tumawa. Ang yabang kase, he.

Nagyosi lang ako rito sa tabi ng mga tropa ko habang hinihintay na'min sina Angela. Mukhang matatagalan ang gagong iyon. Just a few hours ago, when we heard footsteps from a distance. We waited to see who they were but when they got closer and closer we could see the faces of Angela and her friends.

Barney yarn!

"Felix!" Sigaw nito sa 'di kalayuan. "Bounce ka na, Par."

Nagtaka naman ako sa sinabi nito. Hindi ko maintindihan kung bakit pinagbobounce niya ako. Hingal na hingal pa ito palapit sa akin. Tagaktak din ang mga pawis nito. Panigurado, Malayo ang tinakbo nito para makapunta lang dito.

Whisper of Virtouso (Love Material Series #2)Where stories live. Discover now