CHAPTER THREE

115 5 4
                                    

CHAPTER THREE

Kapag usapan pamilya? Lagi ako nasa labas. Nasa labas ako palagi dahil hindi 'ko masigurado kung pamilya ba turing nila sa akin. I'm always outside because they make me feel like I don't belong with them.

I think, nasanay na ako sa ganu'n trato nila sa akin. Masasaktan, magiging okay ulit. Masasaktan, itatawa na lang. That's my life cycle.

Minsan, naitatanong 'ko na lang sa langit at buwan kung mahal ba ako ng tinuturing kong pamilya? O wala lang silang choice kung 'di pagtiisin ako?

Nagbuga ako ng mabigat na paghinga. "O baka. . .isa akong malas sa kanila?"

Hindi malayo at lalong hindi malapit. 'Yun naman palagi ang pinaparamdan nila sa akin. Pilit nila pinagmumukha sa akin na isa lang akong anak. Isa lang ako hayop na p'wede ako saktan nang paulit ulit.

I almost just woke up. When I woke up a little while ago, I was staring at the ceiling and thinking about heavy things. I was from the pain because until now I can still feel mom's painful pain and painful words that made me weak. Ni-hindi 'ko mahanap ang sariling sagot 'ko sa mismong katanungan mula sa utak ko.

Bakit nasa ganito akong buhay?

Buhay na walang ginawa kun'di pahirapan ako. Buhay ang tanging ginawa sa akin ay saktan at maging hampaslupa.

May saysay pa ba kaya ang buhay ko?

Ilang oras ako nakatulala at nagiisip na mga bagay bagay nang bigla akong nakaramdam ng gutom. Sa una, ayaw 'ko pa bumababa dahil makikita 'ko sila kumakain na magkakasama, pero hindi 'ko na talaga matiis ang gutom ay nakapagdesisyonan 'ko na tumayo na lang.

I'm wearing basketball shorts and for the top, I'm wearing a white t-shirt v-neck. I went to the bathroom first to look in the mirror and see if I looked good. When I looked, the hair tie was very messy. Maybe, it's because of Mama's tugging on me that my hair is so messy. After a second, I decided to just brush it first and let it go.

Nang matapos ko na ang pagaayos ko ay napagisip-isipan ko na lumabas na dahil sobrang gutom na gutom na ako. Paghiit ko pa lang sa doorknob ay tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko.

"Anak, kumain ka nang marami," malambing na sabi ni Mama kay ate.

"Jusko, Ma! Tataba na ako neto!" pabirong ani ni Ate.

Ilang sandali pa lang ay naririnig ko na lang ang tawa nila. Tawa na walang halong peke. Tawa na totoo. Tawa na hindi ko man naranasan kay Mama iyon. Gan'yan din sana ang gusto kaso mukhang magpapakahirap muna ako bago siya tumawa.

Hanggang pangarap na lang ako.

Pangarap na mapatawa ko si Mama. Pangarap ko na maging proud si Mama sa akin, at lalong hanggang pangarap na lang ako na mamahalin pa ako.

Ito na 'ata ang pinakamalabong mangyayari na pangarap 'ko.

Sobrang sakit dahil hindi man lang nila ako iniisip na hayain kumain na kasabay sila. Hindi man lang nila ako kinatok sa kwarto para sabay-sabay kami kumain. Sabagay, hindi nila ako kayang isabay sa hapag-kainan.

Okay lang 'yan, Lyy. . . magiging maayos din ang lahat.

"Bryan, kumusta ang pagaaral mo?" Nakangiting tanong nito. "Mukhang pagod ang baby Bryan 'ko, ah,"

"Mama naman eh." Bulyaw ng bunso nami. "Hindi na po ako bata,"

"Oo nga, Ma. Baby Bryan," pangaasar ni Ate Kissha kay Bryan.

Nagtatawanan lang sila. Sarap nilang tignan, nakakainggit. Sana ganito din si Mama sa akin. Napapapikit na lang ako sa kawalan.

Kailan kaya magiging gan'yan si Mama sa akin?

Whisper of Virtouso (Love Material Series #2)Where stories live. Discover now