CHAPTER FOUR

97 6 2
                                    

CHAPTER FOUR

Kinabukasan, maaga akong nagising upang makaligo ng maaga. Ayoko ma-late sa klase ngayon araw baka mabingo na ako sa school. Alam 'kong bingong-bingo na ako sa school na pinapasukan ko dahil puro late ako, lalo na kina Shainny, matagal na akong bingo sa kanila.

After I take a shower, I put on my blouse with a brown design on the end of the blouse, secondly, I fix my necktie which is also brown. From the bottom, I'm wearing my color brown skirt below the knee which makes my whiteness stand out even more. I wear a light make up too, just the right one and just a little bit of lip tint.

Aalis na sana ako bigla ko naalala na kailangan ko takpan ang pasa may right side ng labi ko. Pasang bigay ni Mama sa akin. Hindi ko alam kung paano tatakpan o itatago ito kina Kenzo, pero hindi naman halata kapag malayuan pero kapag malapitan panigurado, kitang-kita nila ito.

Life is struggle!

Hahayaan ko na lang. Magiisip na lang ako na p'wede kong idahilan. Alam ko naman na uto-uto sila kaya mauuto ko naman kahit papaano.

After I did what I had to do, I decided to go downstairs and ask Mama for money. Almost two months na kase ako hindi binibigyan ng allowance ni Mama kaya kailangan ko humingi.

Pagkababa 'ko, nakita 'ko si Mama na nagkakape sa may sala ng bahay at tulala lang ito nakatingin sa may bintana. Hindi 'ko mabasa ang iniisip ni Mama, sa nakikita ko sa mata ni Mama ay malungkot ito. At ang pinagtataka ko ay kung bakit ang aga niyang nagising?

Ano kaya nangyari sa kaniya?

Ano kaya gumugulo sa utak ni Mama? O baka sad'yang malalim lang siguro ang iniisip niya.

Kahit gan'yan ang trato ni Mama sa akin ay sobrang mahal ko 'yan.

"M-Ma. . ." kabadong tawag ko habang dahan dahan ako naglakad palapit sa 'kanya. "Hihingi sana ako ng-"

Hindi niya pinatapos ang sasabihin ko nang nakatanggap akong malakas sa sampal na napakalakas-lakas. Halos namanhid ang buong mukha ko sa natanggap ko.

Halos sampal na lang ang tanging natatanggap 'ko simula kahapon. Kasampal-sampal ba ang mukha ko? Putangina! Masakit na.

Kitang-kita ko sa mata ni Mama ang galit sa kaniya at kitang kita ko kung paano nanggigil sa akin si Mama.

"Nasa'n ang pera 'ko?! Saan mo kinuha ang pera ko?!" Malakas na sigaw ni Mama. "Putanginang kang babae! Wala ka na ngang silbi, magnanakaw ka pa!"

Pera? Pinagbibintang niya ako? Ba't ako?

Humarap ako sa kaniya. Humarap ako na may luha sa mata. Humarap ako na humahagulgol sa kanya.

"M-Mama naman, eh. . ." I sobbed.

"H'wag mo akong tawagin Mama dahil wala akong anak na magnanakaw! Nakakahiya kang anak! Bakit pa ako nagkaroon ng anak nang tulad mo!"

Hindi naman masakit. Hindi masakit, promise!

Sobrang sakit lang.

"Mama, w-wala po akong kinukuhang pera. . . hindi po ako m-magnanakaw. M-Ma, alam 'ko n-naman na. . . na ayaw niyo sa akin pero. . . kailanman 'di ko inisip na pagnakawin ko kayo. . ." hagulgol kong sabi.

Sobrang sakit. Sobrang sobra. Hindi 'ko alam kung bakit nagbago ang turing ni Mama sa akin simula namatay si Papa. Gusto 'kong magsalita pabalik pero hindi kaya nang konsensiya ko. Nanay ko pa rin ang kausap ko. Kahit pagbaliktad-baliktad ko ang mundo ay nanay ko pa rin siya.

Sobrang laki ng respeto ko kay Mama kahit hindi ako nirerepesto bilang anak ni Mama.

Tumawa siya ng marahan at lumapit ito sa akin. Kinuha niya ang mukha 'ko at pinisil ng mahigpit ang dalawang pisngi ko gamit ng isang kamay nito. Sinakal sakal niya ang pisngi ko. Sobrang sakit. Ang gums ko, naiipit na ni Mama dahil sa pagpisil ni Mama.

Whisper of Virtouso (Love Material Series #2)Where stories live. Discover now