CHAPTER TWENTY-THREE (WARNING)

61 2 0
                                    

WARNING: R18! Matured content ahead and not suitable for young readers.

READ RESPONSIBLY!

--

CHAPTER TWENTY-THREE

"Nandito na tayo, Felix," he said with a monotone.

I smiled at him. Ang bilis na 'min makarating sa bahay. Sa sobrang lutang ko, hindi ko namalayan na narito na pala kami sa harap ng bahay ni Kenzo, kung saan ako nakatira pansamantala.

"Eleazar. . . Sorry," I called him, habang nakayuko ako. "Bro, sorry for the mess. Sorry kung nanggulo si Kerson,"

He chuckle softly and rubbed his nose. "Okay lang, ano ka ba! Kilala ko naman si Kerson, hindi siya titigil hangga't 'di nakukuha ang gusto niya."

Nakukuha ang gusto? Gago ba siya? Hindi niya ako gusto, bro!

Basagin ko ngipin nito!

Ny brows furrowed, umayos ng upo at tumingin sa kaniya. "Eleazar, hindi ako gusto ni Kerson, never niya akong magugustuhan,"

"Sa ngayon, hindi."

Hindi ako makapagsalita. Wala akong masagot sa kaniya. Ang tanging alam ko lang, bawal kaming ma-inlove sa isa't isa na ako mismo ang gumawa ng rule na 'yon. Sana hindi ko na lang sinabi 'yon. Ang hirap. . . Habang tumatagal mas nasasaktan ako.

Ayoko lumalim 'to.

"Ingat sa pag-drive. Thank you!"

Bago siya umalis, nag-wave muna siya sa akin at saka dire-diretso na siya umalis. Pumasok na ako sa bahay dahil gusto ko ng magpahinga. Paakyat na sana ako sa kwarto nang may narinig ako boses sa study room ni Kenzo.

May kasama siya? Sino?

"Dahan-dahan lang, tangina ang sakit. . ." Hindi pamilyar ang boses sa 'kin 'yon. Boses lalaki, e.

"Shush, dahan-dahan ko 'tong ipasok, sa unang masakit," ani ni Kenzo.

Gago? H'wag niyang sabihin na may ginagawa silang kagugahan sa kwarto!

"Kenzo!" Sigaw ko.

May narinig akong nahulog sa kwarto iyon. Mukhang nataranta sila, ha. Tangina, baka ano ang ginagawa nila, ha.

"Lyy, napaaga 'ata ang uwi mo?" He smiled at me awkwardly.

Pinatignan ko siya mula baba hanggang sa paa. Hindi naman halata sa kanila na may ginawa sila sa milagro o ako lang nagiisip ng ganu'n.

"O, bakit ganiyan ka makatingin?" Nanlinsik ang mga mata niya tila may ginagawa akong masama.

Tinaas ko ang isang kilay ko at tinignan ko ang pinto ng study room niya.

"May kasama ka? Sino?"

Tangina ka, umayos ka sumagot Kenzo!

His mouth formed of an 'o' sabay taranta. "Wa- Meron, 'yung. . . kaibigan ko,"

I shook my head. "Ah, meron,"

"Adik ka ba, Lyy? Bakit parang nagiimbestiga ka? Soco ka ba?"

I smiked sarcastically. Hindi nawala ang tingin ko sa pinto'ng iyon.

"Sino kasama mo? Pakilala mo naman sa 'kin."

"Weird mo," anas ni Kenzo sa akin.

"Mas weird 'yong ungol na narinig ko sa inyo," I whispered.

Whisper of Virtouso (Love Material Series #2)Where stories live. Discover now