1 | cruel universe

1.9K 29 0
                                    

"Pucha naman Ion! Pakiusap pumili ka na sa mga yan para di na ako ang ginugulo mo." Bulyaw sakin ni Jhong.

"Tsk."

"Wag mo kong iniismiran diyan ah! Sumbong kaya kita kay Tita?" Panakot niya sakin.

"Ang oa mo, calm down, kuya." Inasar ko pa siya.

Jhong is my cousin and my confidante. He's older than me, 29 ako at siya naman ay 35 na. He hates it when I call him kuya.

"Ano bang hanap mo sa secretary? Makaka isang daan ka nang palit." Pagtanong niya.

"Wala naman akong arte, sila ang maarte at maharot, ayoko nang maharot. Gusto ko trabaho lang ang inaatupag." Seryoso kong sagot.

"Tangina. Pogi mo talaga eh no?" Ngisi niya.

Totoo naman kasi, ika limang taon ko ng hawak ang kumpyang to at halos buwan buwan ay nagpapalit ako ng secretary. Parati kasi silang dumada-moves sakin.

Parating may crush, parating nang aakit.

Hindi naman maitatanggi na gwapo talaga ako, kasi gwapo talaga ako. Gwapo, matangakad, maganda katawan, magaling humalik—

"Natulala pa ampota."

Bumalik ako sa wisyo dahil sa pagsalita ulit ni Jhong.

"Mauuna na ako, bibigyan kita ng isang linggo para pumili, kapag wala pa rin, ako na ang pipili." Masungit niyang sabi at umalis na agad.

Natawa nalang ako sa inakto niya, siya kasi ang nagsisilbing secretary ko ngayon dahil wala akong mapili. Masyado akong maarte sa mga bagay bagay kaya ayan, galit parati. Hahaha!

~

Vice pov.

Hindi ko alam kung bakit sa dinami ng tao sa earth ay ako ang laging pinipili ni Universe para guluhin.

Ang init ng sikat ng araw at dama ko ang pulusyon sa hangin.

"Universe, why so cruel?" Bulong ko at tumingin pa sa langit.

Ala una na at tuloy pa rin ako sa paghanap ng mapapasukan, tulay pa rin sa pag a-apply dahil mas pipiliin kong mamatay sa hiya sa ibang tao kesa mamatay sa hiya sa pamilya ko.

Sa gitna ng paglalakad ay may nakita akong nagtitinda ng buko juice at mga tusok tusok.

Agad akong lumapit sa bukuhan at bumili.

Bente ang isang maliit na cup, gusto ko sanang humindi kaso linagyan na agad ni kuya ng buko juice ang baso, nakakahiya namang humindi pa, diba?

"Eto po." Pag abot ko kay kuya ng baryang bente.

Ininom ko ang 1/4 ng buko, syempre hinay hinay lang para tipid. Aalis na sana ako ng marinig ko ang  sigaw ng tiyan ko.

Mabuti at may tusok tusok rin dito. Agad akong nagpaluto kay ate ng kwek kwek at fishball.

~

Ion pov.

Nandito ako sa labas ng building ngayon, nasa loob lang ng sasakyan. Kanina kasi ay nakaramdam ako ng lag crave sa buko juice, may nakita akong bukuhan bago pumasok, naka pwesto yun di kalayuan sa building ko.

Trenta minuto na akong nandito lang sa sasakyan at nakamasid sa mga dumadaang mga tao at mga bumibili sa tusok tusok at buko.

Bababa na sana ako ng maagaw ang pansin ko ng isang..babae?

Naglalakad ito sa sidewalk ng pagweng gewang. Nagulat ako ng bigla tong tumigil at tumingin pa sa kalangitan. Nakita ko ang paggalaw ng labi niya.

Nagsasalita mag isa?

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now