2 | new job

782 23 0
                                    

Jhong pov.

Isang magandang babae? Ang linuwa ng pinto.

Matangkad, blonde at magaling pumorma. Di lang akma sa job interview na ito ang suot niya pero maangas ang porma niya.

"Good afternoon Sir." Magalang na sabi nito at nag bow pa ng kaunti.

Tinignan ko ang resume niya at nakumpirmang hindi nga siya biologically female.

"What pronouns and name do you prefer to be called?" Tanong ko dito.

"My pronouns are she and her, Sir. And please call me Vice. As you can see, Sir, I'm gay." Pormal niyang sagot.

"This company is a safe space, I hope this company has been treating you well." Pormal kong sabi.

"The company has been good to me Sir. But I got discriminated against earlier by the other applicants." Pagsumbong niya.

"I'm sorry about that, we'll take action now. Please excuse me." Nakaramdam ako agad ng galit dahil kabago bago niya palang ay ganon na agad ang karanasan niya sa company na ito.

Lumabas ako para ako mismo ang mag imbestiga sa nangyare.

Pinakalma ako ng secretary ko agad dahil alam niya na ayan ang pinaka ayaw ko, ang may mga bastos at walang respeto sa kumpanyang ito.

Itatanggi pa sana ng halos sampung babae ang ginawa nila pero buti nalang ay maraming tumestigo.

Hinayaan ko na ang secretary ko na asikasuhin ito dahil may tiwala ako kay Jackque—secretary ko.

"Everything has been taken off. I'm really sorry Ms. Vice." Pagpapaumanhin ko sakanya.

Pero nagulat ako ng nakaupo na pala si Ion.

Nagtititigan sila ngayon.

"Ah. Thank you Sir." Nagulat pa siya.

"No worries, Vice. Kami dapat ang mag sorry sayo. Huwag ka mag alala dahil kapag nag start ka na mag trabaho safe space na talaga dito. Lahat ng empleyado dito ay dumaan sa Sogie Workshop." Pag aassure ko sakanya.

"Pag trabaha po?" Takang tanong niya.

"Yes. You're hired. Your resume looks promising." Ngiti kong sabi sakanya.

"Hindi mo ko kailangan i-hir Sir ng dahil lang sa nangyare kanina. Hindi niyo po kailangan bumawi."
Ngiting sagot niya.

Ang ganda niya talaga.

"Tsk. Dami pang arte." Biglang singit ni Ion sa usapan namin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hoy, lalake! Ako kanina pa nanggigil sayo ha. Epal ka talag no?!" Nagulat ako ng bigla niyang sinigawan si Ion.

Tumayo naman si Ion at lumapit sakanya.

"Ikaw na bahala sakanya Jhong, gusto ko bukas ay alam na niya ang trabaho niya." Ngising utos sakin ni Ion habang nakikipag titigan kay Ms. Vice.

Lumabas rin siya agad at linakasan pa ang pagsara ng pinto.

"I guess kilala mo na siya?" Tanong ko kay Vice.

"Hindi, nakasabay ko lang siya kanina sa labas sa tusok tusok malapit dito. Binuhusan niya ng buko yung resume ko kaya nagpa print ako ulit kanina sa office niyo, bumawi naman ako sakanya kaya okay lang." Pag eexplain niya.

Natawa naman ako dahil siya pala ang peste na kinu-kwento ni Ion sakin kanina, binuhusan daw siya ng buko. Mukhang may nahanap nang katapat ang kumag kong pinsan.

"Pagpasensiyahan mo na siya. Parati namang walang pakialam yun sa mundo kaya di ko alam bakit nagkakaganyan siya ngayon."

"I see. Ayos lang, huwan ko nalang sana siya makasama dito. Hehehe!" Ngiting ngiti niyang sabi.

Nako po, di niya nga kilala si Ion.

"Ah Vice, siya ang CEO ng kumpanyang to at ikaw ang bagong secretary niya." Dahan dahan ko pang sabi.

Nakita ko ang pagbago ng reaksyon ng mukha niya.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sakanya.

"Ah, oo." Sagot nito.

"Okay, upo ka na."

Sumunod naman agad ito.

"Let me formally introduce myself, I am Jhong Hilario, one of the board members and the ceo's right hand." Ngiti kong sabi at nagkipag shake hands oa sakanya.

"Gusto ni Ion na mag start ka na bukas kaya mamadalian ko na to. Ito yung schedule niya for this week. Ang pasok mo ay 8am to 5pm. 40 thousand ang starting salary. Sasabak ka ng sogie workshop next week at kapag di mo yun napasa ay di ka magiging regular dito." Pag-e-explain ko sakanya.

Mabilis ang naging usapan namin at mabilis niya ring na pick up ang mga gawain na dapat niyang gampanan.

Umabot siya ng 2nd year ng polsci sa feu pero agad rin siyang nag shift sa mascom. Matalinong tao ang isang to. May mga past experience siya sa pagiging secretary at writer pero umalis rin siya agad sa mga trabahong iyon dahil sa diskriminasyon.

Alam ko dahil naka lagay sa resume niya malamang.

Nasa pinaka tuktok kaming floor ngayon. Ang floor ng Team 1, ang pinaka importanteng team at ang may pinakaimportanteng role dito.

"Ayun ang office ng team 1, naoopen lang ang mga pinto dito gamit ang i.d, ito ang desk mo." Turo ko sakanya.

"Pwede bang umuwi ako mamaya para makabalik ako dito at maayos ang desk ko? Para bukas ay aaralin ko nalang ang gagawin ko." Pagpapaalam niya.

Masipag tong isang to.

"Oo naman, pwede. Anyway, ayun ang pinto ni Ion. Tanaw ka niya dito kaya bawal ang nakatunganga. Napaka sungit ng lalaking yan, ewan ko ba." Sabi ko at natawa naman siya.

~

Umuwi si Vice at nangakong babalik siya para dalhin ang gamit niya at makapag ayos ng formal para na rin sa picture para sa i.d.

Nandito ako ngayon sa office ni Ion.

"Nakakagulat na hindi ka tutol sa nakuha kong secretary for you." Pag agaw ko sa atensyon niya.

"What's her name?" Tanong nito.

"Tsk. Ito ang resume niya." Inabot ko sakanya ang resume ni Vice.

Masuri niya itong tinignan.

Tumingin siya sakin at napairap, napilitan siyang mag comment sa desisyon ko.

"She looks promising." Tipid na sagot nito.

"And she's pretty. Call her Vice." Sagot ko dito.

"Crush mo agad?" Tanong niya na ikinagulat ko.

Hmmm, anong trip ng lalaking to?

"Bakit, bawal ba?" Tanong ko dito.

"Be professional, Jhong." Sagot niya.

Natawa naman ako dahil kadalasan ay wala naman siyang pake sa mga nag de-date na magkatrabaho dito.

"I am. Maganda naman talaga siya, type ko nga eh." Pang aasar ko pa sakanya.

"Don't worry boss, di ko naman liligawan eh, sayong sayo na yun, di ko kukunin ang natipuhan mo, one in a blue moon ka lang magka gusto." Sabi ko sakanya at lalabas na sana.

"Anong gusto? Napaka sungit non at talakera. Kahit pakasalan mo pa yun bukas eh wala akong pake." Halos mag rap siya ng sabihin niya yun.

"If you say so." Sagot ko at tumawa ng malakas.

Nakakalokong isipin na may crush si Ion kay Vice, kasi kahit kailan ay wala akong nabalitaan na nagkagusto siya.

Madaming blind date na inasikaso ng nanay niya pero walang successful.

Bahala siya.



My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now