11 | sundo

537 12 1
                                    

Vice pov.

Ang lala ng sakit ng ulo ko!

Pagbukas ko ng phone ay nakita kong 8:30 am na.

Putangina, lagot ako neto.

Agad akong naligo at nag ayos.

Dali dali akong bumaba ng hagdan dahil late na ako.

"Putangina, mga baklaaaaa! Di niyo man lang ako ginising!" Sigaw ko at pumunta ng sala.

Nagulat ako ng makita ko si Ion sa dining table.

Nakaupo at nakikipag usap sa mga bading.

"Good morning, meme! Kain na." Yaya sakin ni Tetay habang dala niya ang sinangag.

"Anong meron?" Tanong ko sakanila.

"Good morning, Vice." Bati sakin ni Ion at ngumiti.

"Bakit andito ka? Late na tayo parehas, tara na." Sabi ko.

"Wag mo na alalahanin, kain muna. Para may energy sa trabaho mamaya." Sabi nito at kumuha na ng dalawang plato.

Wala na akong nagawa at umupo nalang ako sa tabing upuan niya.

"Hmm, bango ng mga to ah." Pag compliment ko sa nakahaing pagkain sa hapag.

May bacon, omelette at tuyo.

My favourites!

"Ang dami ha, talagang pakitang gilas kayo kay Ion." Pang aasar ko sakanila.

"Syempre teh! Kapag di mo na shota si kuya Ion, kami ang papangas diyan!" Biro ni Tonton at nagtawanan naman sila.

Di ako natawa dahil ang issue talaga nila!

Sinabi nang wala akong feelings para kay Ion eh.

I only see him as a good friend and a good boss.

~

Syempre sumabay ako kay Sir Ion pumasok. Hindi na ako tatanggi sa grasya, hehehe!

"Belated happy birthday, Vice." Sabi nito sakin at inabot ang paper bag.

"Ay shala, may pa gift." Sabi ko at kinuha sa kamay niya.

"Di mo naman na need mag ganito, pero thank you,  super salamat Sir." Sabi ko at ngumit ng matamis sakanya.

"I insist. Next time sabihan mo ako if birthday mo, nag mukha tuloy akong walang pakealam na boss." Sabi niya nang nakanguso pa.

"Si Sir Jhong nga di ko sinabi sakanya pero alam niya eh." Pang aasar ko sakanya.

"Edi dun ka na kay Sir Jhong mo." Masungit na sagot niya.

"Nako Sir. Di ko bet si Sir Jhong, although type ko dati mga ganon pero now iba na." Sabi ko at tinaas baba pa ang kilay ko.

"Edi ano nang type mo? Si Mr. Collins or Mr. Abueva?" Masungit pa ring tanong niya.

"Grabe ka Sir. Updated ka sa love life ko ha. Pero donchu worry, Sir! Mas bet pa rin kita, pag bumait ka na makaka pasok ka na sa standards ko." Mayabang kong sabi at tinap pa ang braso niya.

"Ewan ko sayo, Ms. Viceral, puro ka kalokohan." Seryosong sabi nito at tumutok na sa pag drive.

Ang sungit talaga!

Kanina lang ay ang sweet niya pero nung nabanggit ang mga crush ko ay nag sungit na, konti nalang iisipin ko na na nag seselos siya.

Pero di ako baliw at delulu kaya di ko iisipin yan!

~

a/n: bawi ako ng mas mahabang updates kapag natapos ko na essay ko :>>>

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now