14 | bet?

548 22 1
                                    

Vice pov.

Otober na.

Parating busy si Calvin. Halos ako na nga lang ang nag e-effort samin. Para ngang ako na ang nanliligaw sakanya. Nakakaloka!

Ganon pa rin naman sa trabaho. Masaya na nakaka pagod.

Si Ion naman ay nawala na ang kasungitan. Isang buwan na siyang good mood. Bumalik na rin ang closeness namin.

Minsan di ko mapigilang isipin na may gusto siya sakin.

Pero di ko wine welcome ang ganyang isipin dahil sino ba naman ako? Saka, parati siyang may blind date.

Linggo linggo eh may babae siyang kinikita.

Nakakaloka dahil iba iba sila.

Tangina, collector ata to ng babaeng maganda eh.

Pero di ko rin siya mahusgahan dahil si Tita Maricel naman kasi ang mismong nag aayos ng dates niya.

Gusto na daw talaga ni Tita na ikasal ang anak niya.

Hays, sana ganyan nalang rin ang problema ko.

Bumalik ako sa wisyo ng biglang tinapik ako ni Ion.

"Vice!" Sigaw na sabi niya.

"Ay, sorry, Sir. Ano po yun?" Tanong ko at tumayo.

"Tulala ka ah. May problema ba?" Alalang tanong niya.

"Wala naman, Sir. May iniisip lang." Ngiti kong sagot.

"Masyado na bang mabigat ang trabaho?" Tanong niya.

"Ay, nako! Hindi, sir. Ayos lang lahat. May iniisip lang talaga." Sagot ko.

"If you say so. Anyways, paki hanapan na ako ng stylist for the ball." Sabi niya at pumasok na sa office niya.

May nalalapit na charity ball. Sabi ng pr team ay necessary daw yun para sa publicity.

Totoo, pero alam ko namang gusto rin talaga ni Ion tumulong para dun. Matagal na niyang yinayakap ang organizations na yun.

~

Pag kauwi ay nagpatulong ako sa mga beks para maghanap ng maayos na designer.

Gusto ni Ion ng designer na kaya ang pang babae at pang lalaki, gusto niya daw ng full set style and make up team. Baka para rin sa date niya. Or baka maarte lang talaga siya.

Si Jaz Cerezo, Paul Cabral, Buern Rodriguez,  Justine Aliman at Jelly Eugenio.

Agad kong minessage si Sir na nakahanap na ako.

to: Sir Ion
Good evening, Sir. May nahanap na ako. Check email nalang po.

from: Sir Ion
Im too busy to check my email, ikaw na bahala, mag down payment ka na then hingin mo kay Ms. Anne yung details na gusto ko.

to: Sir Ion
Okay, sir. Noted po.

~

Settled na ang lahat, fitting nalang.

Naka schedule ngayon na kikitain namin sila ni Ion.

Good thing na magkakaibigan daw ang mga yun at kaya mag collab.

May kamahalan pero di naman yan problema, si Ion na to eh, hahahaha!

"Hala, nag abala ka pang sunduin ako." Bati ko kay Ion na nasa harap ng bahay ko ngayon.

"Para mas mabilis." Ngiting sagot nito at bumaba pa para ipag bukas ako ng pinto.

~

"Good morning, Mr. Perez and Ms. Vice" bati samin ng receptionist.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now