19 | boracay

580 22 1
                                    

a/n: super busy talaga ako this month pero dahil sa comments and support niyo ginaganahan ako mag sulat. sobrang thank you, di niyo alam gano ako na chi-cheer up kahit sa simpleng comment at vote niyo lang.

~

Vice pov.

Nagkita kaming lahat sa airport. Hindi nakasama ang iba dahil may lakad daw sila ng mga pamilya nila.

Ang kasama lang ngayon ay si Zeus, Ross, Jackie, Jhong, Anne, Karryle, Kim, Ryan, Jugs, Teddy at syempre yung dalawa na kanina pa naghaharutan.

Sobrang ganda talaga ni Catriona. Pang miss universe ang ganda niya!

"Mami!!" Tawag sakin ni Ryan at sinalubong ako para kunin ang maleta na tulak tula ko.

"Grabe, airport palang tayo, Vice. Kinabog mo na agad kaming lahat. Kalma teh!" Asar sakin ni Jhong.

"Syempre no, baka may makasabay na gwapo na papakasalan ako. Gusto ko na naging trophy wife! Hays!" Biro ko at nag tawanan sila.

Sinulyapan ko naman si Ion. Seryoso lang siyang naka tingin sakin habang si Cat ay tumatawa.

"Ganda mo talaga manamit, meme! Kita ko ig stories ng mga beks, talagang tinambad ang katawa ha!" Sabi ni Kim at nag hiyawan naman sila.

"Shhh! Shh! Wala pa yun, ano ba. May mas hubad pa dun." Sabi ko at nagtawanan naman sila.

"Nako, may balak talaga to sa boracay." Sabi ni Zeus na kakadating lang at nasa likod ko.

"Nako, mag hahanap pa nga ako, kaya kailangan bongga talaga." Sabi ko at kunwaring nalungkot.

"Sabi sayo ako nalang eh." Biro niya sakin at hinila ang bewang ko papalapit sakanya.

"Mga biro mo talaga zeus, ano ka ba zeus!" Pag iinarte ko at nagtawanan naman sila.

Nagulat nalang kami ng biglang nag walk out si Ion.

Sabi ni Cat ay bibili lang daw ng kape.

"Seloso ng bff mo, ha!" Sabi ni Jhong kay Cat kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Umupo na ako sa tabi nila dahil 20 minutes nalang ay boarding na kami.

Hay, ako talaga ang life of the party, charot!

"Huy, meme." Bulong sakin ni Zeus.

"Oh?" Tanong ko.

"Kayo na ba ni Sir? Gago baka sisantihin na ako nun kakalapit sayo." Seryosong tanong nito sakin.

Natawa ako ng malakas.

Kasi nakakatawa naman talaga! Hinampas ko pa ang dibdib niya.

"Gago, hindi. Parang gago mga naiisip mo." Sabi ko at tumawa pa ulit.

"G na g kasi siya eh. Talim ng tingin sakin." Sabi niya at natawa rin.

"Hoy, tama na landian diyan. Halika na kayo, Vice, Zeus." Tawag samin ni Karryle.

Tumayo naman kami at pumila na.

~

📍Boracay

"Putangina shet, bakasyon!" Hiyaw ko ng makarating kami sa labas ng resort ni Cat.

"Ang ganda dito, grabe, thank you madam." Sabi ni Jhong kay Cat.

"You're all welcome, deserve niyo to. Mag thank you kayo kay Ion at siya ang may sagot nitong lahat, hahahahaha!" Tawa niya at naunang naglakad.

Nag thank you nga talaga sila kay Sir at tinanguan lang sila nito.

Ampota, sungit!

Isang special suite lang kami. May apat na kasing kwarto dun.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now