22 | boracay (3)

609 16 7
                                    

WARINING: SENSUAL SCENES AHEAD

Vice pov.

2nd night.

Club night.

Nag suot ako ng two piece bikini at pinatungan ito ng pinaka maiksi kong short at mesh type tshirt ko para kita ang loob.

Putok rin ang make up ko para maganda sa ilalim ng ilaw sa club.

"Pakak na pakak!" Sabi ni Karryle nung makita ang itsura ko.

"Hanap awra talaga this night mama ha!" Biro sakin ni Teddy.

"Hahanap ako ng gagawin akong trophy wife." Sabi ko at umupo sa couch.

Hinihintay rin kasi namin si Ion ngayon. Sasama daw siya samin mag clubbing.

"Picture tayo, guys!" Sabi ni Kim at um-oo naman kami.

Ilang pose rin yun.

"Uy, ayan na pala manok ko eh. Tagal mo, Ion ha!" Sabi ni Jhong at lumabas na rin.

Nauna na silang lahat lumabas. Nagpa sadyang magpahuli si Ion para maka lapit sakin.

"Ganda ko ba tonight?" Tanong ko sakanya.

"Oo naman, pero sobrang ikli naman ata ng suot mo?" Sabi niya at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa.

"Ayaw mo ba ng ganito?" Biro ko sakanya.

"Hindi naman, pwede mo naman suotin kahit anong gusto mo, ang inaalala ko eh baka di ka comfortable sa suot mo." Paliwanag niya at umakbay sakin.

"Hahahah! Green flag ah? Don't worry, babe, sana ako sa ganito." Sabi ko at kumindat pa.

"May pa babe na ah, di mo pa nga ako na crush back eh." Malungkot kunwari niyang sabi.

"Ayses! ayses! Bet na bet mo rin." At inirapan ko siya.

Tumawa lang ang loko.

Sabay sabay kami sa elevator syempre. May kalakihan rin naman kasi ang elevator dito.

"Huy, Ion! Kapit na kapit ka kay Viceral, hahanap ng lalaki yan ngayon." Pang aasar ni Jhong.

"Oo nga, baka layuan nila ako, sir." Sumang ayon ako at tumango tango pa.

Di naman kami sinagot nito at umirap lang.

"Si Sir nalang daw kasi mami Vice." Sabi ni Ryan.

Umakto naman akong hahalikan si Ion sa pisngi kaya napa palakpak pa sa tawa ang mga kumag.

"Charot!" Sabi ko at nauna nang maglakad palabas ng elevator.

Pagka dating sa club ay naamoy namin agad ang alak.

Nag avail agad si sir Jhong ng isang vip spot.

"Party party!" Hiyaw ko nung ma i deliver ang drinks sa table namin.

Nagsayaw ako ng nag sayaw. Talo kung talon.

"Ang likot mo." Bulong sakin ni Ion.

"Dikit ka kasi ng dikit sakin eh. Layo ka para di kita masagi." Masungit kong sabi at tumalon ulit ng tumalon.

"Ang hyper!" Hiyaw ni Jugs at tinuro ako.

Yinaya ko silang lahat na pumuntang gitna para sumayaw.

Pumayag naman sila pero dalawang song lang ay bumalik na rin sila sa pagkakaupo.

Ako ang pinaka sentro ng atensyon sa table namin ngayon dahil ako ang pinaka maingay.

Puro ako chika at pinapakitaan ko sila ng mga sexy dance moves ko.

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now