56 | we can't have it all

707 24 2
                                    

Ion pov.

Love triumphs hate.

Mapait akong napatawa sa tweet niya.

Love triumph hates pero bumitaw ka. You left me.

"Ion, tama na, ilang araw na lang at wedding na. Gusto mo bang mag mukhang miserable sa kasal natin?" Tanong ni Cat.

"Hindi naman si Vice ang mapapangasawa, I don't fucking care kung anong maging itsura ko." Galit kong sabi at umakyat papuntang kwarto ko.

Ilang buwan na simula nung iwan niya ako pero puta masakit pa rin, masakit na masakit pa rin.

Gusto ko pang ipaglaban pero wala na rin naman akong magagawa.

"I miss you, baby, please come back." Umiiyak kong sabi habang nakatingin sa picture namin ni Vice sa cellphone ko.

Kung alam ko lang yung plano ni Vice na pirmahan ang contract sa Japan edi sana di na ako natulog. Sana mas inintindi ko yung mga sinasabi niyang sign na pala.

"Ang tanga tanga ko!" Bahagya ko pang sinabunutan ang sarili ko.

Vice, bakit naman kasi ganito? Ano ba kasing pangarap ko ang sinasabi mo? Eh ikaw lang naman ang pangarap ko.

~

"She's back." Yan lang ang sinabi ni Jhong pero alam ko na agad kung sino.

"Good for her." Tipid kong sabi.

"Miss mo na?"

Napahinto ako sa tanong ni Jhong.

Hindi ko masabing hindi at hindi na pwedeng oo.

Pamilyado na kasi akong tao. At mahal ko si Cat.

"Hay, Ion. Una na ako." Paalam ni Jhong at tinapik pa ang braso ko bago tuluyang umalis.

Binuksan ko ang cellphone ko. Bumungad sakin agad ang litrato niya. Nakasuot ng wedding gown.

Kumirot ang puso ko nang makita ko siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Kumirot ang puso ko nang makita ko siya. Pamilyar tong kirot ng puso ko. Muntik ko na kasing makalimutan to dahil ilang taon na rin ang lumipas.

"You'll be the most beautiful bride, Vice." Bulong ko sa hangin.

Di ko maiwasang maalala ulit yung huling gabing nakita ko siya.

Flashback

"Babe. Jose Marie Viceral. My love...will you marry me?" Nanghihina kong tanong.

Umiling siya. "No." Tangi niyang sabi at hinila ako patayo.

"Umuwi ka na Ion. Baka gabihin ka sa daan." Huli niyang sabi bago ako sinarahan ng pinto.

Halos tatlong oras rin ata akong umupo lang sa labas ng bahay nila at umiyak. Hanggang sa mag gabi na at di pa rin niya ako linalabas.

Hanggang dito nalang nga ata talaga. Tapos na nga talaga kami.

"Goodbye, Vice." Tangi kong nasabi bago bumalik sa sasakyan at nagdrive pauwi.

End of flashback

Napangiwi ako ng maalala ang huli naming tagpo. Umuwi na daw ako at baka gabihin. Tangina sakit.

Masakit pa rin pala.

Habang nag dadrive pauwi ay napa hinto ako nang mahagip siya ng mata ko.

Si Vice?

Hininto ko ang sasakyan ko sa parking ng isang cafe. Ito yung madalas naming puntahan dati.

Nakita ko siyang mag isa at tulala. Ano kayang naiisip niya? Naiisip niya pa ba ako?

Tahimik at payapa na ang buhay ko, Vice. Diba ito yung gusto mo para sakin? Natupad ko na rin yung mga pangarap na sinasabi mong kailangan kong makamit. Nakamit ko na.

Are you proud of me, tuy? Miss na miss na kita, tuy. Pero mas mabuti na ang lahat na ganito. Na tatanawin nalang kita sa malayo. Makikita ko nalang ang nangyayari sayo sa mga articles at videos online.

Hindi ko masabing masaya na ako, Vice. Alam mo bang nangangarap pa rin ako? May isa akong bagong pangarap. At ikaw yun.

Sana sa susunod na habang buhay, sana pwede na tayo, sana mas maging matapang ka para kalabanin ang mundo para satin, sana sa susunod na habang buhay, sana mas maging malakas ako para ipaglaban ka pa.

Sa susunod na habang buhay nalang, babe.

Di ko namalayan na natulala na pala ako sakanya. Bago pa man niya ako mapansin ay huminga muna ako ng malalim at umalis na rin agad.

~

My Beki Secretary | ViceIonWhere stories live. Discover now